❤TTCC: 08❤

1.8K 22 1
                                    

Dianne's POV

"Hey? Are you okay?" tanong ng isang lalake na nagmumula sa likuran ko. Hindi ko sya magawang lingunin kasi hawak-hawak ko pa rin ang ulo ko dahil sa sakit. Di pa rin nawala ang kirot doon. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang sumakit ang ulo ko, ang alam ko lang ay wala akong sakit sa ulo o wala akong lagnat. Napapikit ako sa sobrang sakit.

'Ahhhhh!'

Hindi ko na napigilan ang sarili kong matumba ngunit may sumalo sakin. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at bumungad non si Dylan. Bigla na lang nawala ang unti-unting sakit sa ulo ko. Dahan dahang bumalik sa normal ang ulo ko. Agad nya naman akong pinaayos ng tayo habang hawak-hawak nya pa rin ang kamay ko.

"Okay ka lang ba? You look pale" tanong nya. Dahan-dahan naman akong tumango

"O-Okay lang ako. Medyo nahilo lang tapos biglang sumakit ang ulo ko, pero okay na ako" sagot ko

"Dadalhin kita sa clinic" sambit nya pero umiling ako. Iwinagayway ko rin ang kamay kong senyales na ayaw ko

"Wag na, okay lang talaga ako" wika ko

"Sigurado ka?" tanong nya. Makikita mo mismo sa mga mata nya ang pag-aalala.

"Oo. May announcement pa si Hazel, diba? Kailangan ko ng pumunta sa court" sabi ko

"Sigurado ka na ba talagang okay ka lang? Baka mamaya sasakit na naman ang ulo mo nyan" tanong nya

"Siguradong-sigurado" sabi ko

"Sasamahan na lang kita papunta sa court" sabi nya

"Sige" ani ko. Dahan-dahan kaming naglakad papunta sa court habang sya naman, todo alalay sakin

*Court*

Ng makapwesto kaming dalawa ni Dylan sa pinakaharap na bahagi ng court, kitang-kita ko na mismo si Hazel na nakaupo sa isang upuan. May tatlong upuan don, andun din si Hernandez... Yung babaeng naka-away ko nung first day of class ng dahil lang sa maling upuan na naupuan ko. Blangko naman ang upuan sa gitna nilang dalawa.

"Dyan ka lang, ah? Don muna ako kina Pres." sambit nya. Kumunot naman ang noo ko.

"Bakit?" nagtatakang tanong ko

"Dapat kasi andun ang tatlong SSG Officers." sagot nya. Kahit naguguluhan ay tumango nalang ako bilang oo.

"Sige" sabi ko.

"Kapag may kailangan ka o may masakit sa'yo, senyasan mo lang ako? Okay?" tanong nya. Tumango naman ako ulit

"Okay" sambit nya. Nginitian nya lang ako habang papalapit kina Hazel at Hernandez. Bale, nag-uusap pa sila.

"Hi, ateng! Morning!" bungad ni JP sa gilid ko. Nginitian ko naman sya. Kasama nya si Kaye

"Morning. Ganda ata ng mood mo ngayon, ah?" nakangiting tanong ko.

"Oo, natapos ko lahat ng assignment namin eh" sagot nya

"Hoy, bakla! Natapos mo yang assignments mo dahil sakin. Tinulungan kaya kita" singit ni Kaye

"Hoy, manang! Ako ba ang nanghingi ng tulong? Diba ikaw ang kusang tumulong?" tanong ni JP

"Psh! Kung gusto mo, eh... pupunitin ko nalang yung mga assignments mo na ginawa ko" sabi ni Kaye tsaka akmang bubuksan ang bag ni JP ng umiwas ito sa kanya

"Alam mo, ateng? Di ka mabiro!" natatawang sambit ni JP

"Wag mo nga akong tawaging ateng" sabi ni Kaye

"Oh sige, manang na lang. Total, bagay naman sa'yo! Hahahaha" tawang-tawang sambit ni JP. Grabe talagang tumawa tong baklang toh. Kapag tatawa sya, mahawa ka na lang sa tawa nya kaya matatawa ka din

Tutoring The Campus Crush (Campus Crush Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon