❤TTCC: 24❤

1.3K 30 0
                                    

Nga pala, thank you sa lahat ng nag-vote sa story ko. Kahit konti pa lang kayong nakabasa neto, sobra-sobra na ninyo akong napasaya. Sorry kung medyo matagal din akong makapag-update. Every week, tatlo chapters ang ma-uupdate ko kasi busy ako sa studies ko. Sana maintindihan ninyo ako. Thanks a lot, ELLAnatics! I love you, all!💙

-k a t h y e l l a f o r d

Hazel's POV

Agad kong binigay ang mic sa emcee. Pinunasan ko ang mga luhang pumapatak galing sa mga mata ko. Medyo naiyak na ako para sa mga messages ko sa kanila. Siguro mas maiiyak pa ako neto kapag sila na ang magbigay ng mensahe sakin mamaya. Napakaimportante nila sakin, lalo na yung pamilya ko. Kaya pinasalamatan ko sila.

"May I call on Mr. Hernand Cortes to give some messages to his daughter" sabi ng emcee. Tumayo naman si daddy tsaka siya humarap sa mga tao.

"Happy happy birthday, my little princess" bati ni daddy sakin tsaka nya ako nilingon. Hindi ko mapigilang maiyak "Nung dumating kayong dalawa ng ate mo sa buhay namin ng mommy mo, nagkaroon kami ng sobrang kaligayahan. Sobrang saya ko dahil naging anak kita, little princess. Hindi din ako nagsisisi na ikaw ay isa sa mga anak ko. Mabuti kang anak para sakin, little princess. Sa ngayon, hindi na kita tatawaging 'little princess' kasi nasa tamang edad ka na. 'Princess' nalang ang itatawag ko sa'yo. Salamat sa lahat, anak. I love you, too" sabi ni daddy. Pinunasan ko ulit yung mga luha kong pumapatak galing sa mata ko.

*CLAP!*CLAP!*

"Thank you for your sweet message Mr. Cortes. May I call on Mrs. Hannah Cortes to say something to her beloved daughter" sabi nung emcee. Tumayo naman si mommy tsaka niya kinuha ang mic sa emcee.

"Hi, baby. You're so big now. Hindi ko akalain na yung baby ko noon 18 years ago ay malaki na. You're in a legal age now. Gaya nga ng sinabi ng daddy mo, thank you dahil nung dumating kayo ng ate mo sa buhay namin, kahit malungkot ako minsan, makita ko lang kayo, sumasaya na ako. I may not be the best mother to you but I know I tried my best to be a good mother to you and to your sister. Kahit na malaki ka na, kahit wala ka pa ring boyfriend ni isa, ikaw pa din ang baby ko. I love you, too baby" sabi ni mommy. Lumapit naman siya sakin tsaka niya ako niyakap.

Ang sarap sa pakiramdam ang ganitong klaseng mensahe galing sa mga taong mahal mo sa buhay. Hindi ko akalain na ganito pala nila ako kamahal. Pinapakita man nila iyon na sobra nila akong mahal hindi ko akalain na mahigit pa sa akala kong mahal nila ako

*CLAP!*CLAP!*

"For now, may I call on Ms. Hacynth Cortes to have a message to her sweet sister" sabi ng emcee. Tumayo naman si ate habang nagpupunas ng luha. Kinuha niya ang mic sa emcee tsaka niya ako nginitian

"Hello, sister. Hindi ko akalain na matanda ka na" biro niya. Tumawa naman ang lahat sa sinabi niya "Pero seriously, sobrang na touch ako sa message mo kanina para sakin. Kahit na parati tayong nag-aasaran, nagpipikunan, at nag-aaway, para sakin, ikaw ang pinakabest sister in the world. Kapag may problema ako, parati mo akong inalalayan. Thank you for everyting sister. I love you, too" sabi niya tsaka siya nag flying kiss sakin. Nag-flying kiss din ako sa kanya. Binigay niya sa emcee yung mic.

*CLAP!*CLAP!*

"Grabe pala ka happy yung family nila, noh? Super happy at super sigla. Now, may I call on Mr. Jose Philippe Tumulak for his message to our debutant" sabi nung emcee. Binigay niya naman kay JP ang mic

"Hey there, Pres. Hazel...thank you rin sa lahat-lahat. Isa ka ng ganap na babae. Gaya nga ng sinabi ni tita Hannah, you're at the legal age. Salamat kasi kapag may problema ako, ikaw ang isa sa masasandalan ko. Kaya kong ibahagi sa'yo lahat ng sekreto ko dahil ganun kagaan ang loob ko sa'yo. Thank you dahil naging kaibigan kita. Thank you dahil hindi ka nawala sa tabi ko kapag may problema ako. I love you, too" sabi niya. Napatawa nalang ako sa mga mensahe niya. Sa anim na taon naming pagkakaibigan, ngayon ko lang siya narinig na magsalita ng ganito kalalim na salita. Sobrang na touch ako

Tutoring The Campus Crush (Campus Crush Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon