❤TTCC: 85❤

1.8K 29 17
                                    

Kenneth's POV

3rd day. Ikatlo at panghuling araw na namin dito sa Canada. Kasalukuyan kaming nasa mataas na parte ng isang bundok. In short, inakyat namin toh kanina. Madaling araw pa lang, gumising na kami ng maaga upang maabot namin ang bundok na ito.

Ang bundok na ito ay hindi madaling akyatin dahil meron itong mga yelo or mga snow na nagtitipon-tipon. Pagkatapos ng halos 4 na oras, nakaakyat rin kami. Tanghali na siguro pero ang ginaw-ginaw pa din.

Malakas ang ihip ng hangin dito sa itaas. Kapag umiihip ang hangin, meron ding snow na kasama sa pag-ihip ng hangin.

"Ang ganda noh?" napatingin ako sa likod ko. I saw Chloe's smiling face while looking at me

Nakangiti akong tumango "Natures are beautiful, Chloe"

The next thing I knew, nasa tabi ko na siya "Yeah. They are beautiful. Isang tingin mo lang dito, mamamangha ka na. Unlike sa ginawa ng mga tao na minsan hindi mo nagustuhan minsan Pero kapag tiningnan mo ang kapaligiran na punong-puno ng mga puno, mga dagat, mga bundok...talagang mamamangha ka"

"Of course, we love to see natures. Ang Diyos ang may gawa niyan. Yan ang nagpapatunay na lahat ng ginagawa ng Diyos ay magaganda. Walang siyang panget na ginawa. Like us, walang panget na tao dahil ginawa tayo ng Diyos. Minsan, may mga taong napapangetan sa sarili nila pero ang totoo, hindi sila panget sa mata ng Diyos. Walang panget sa mundo. Makulang man o malabis ang itsura natin, hindi pa rin tayo panget" ani ko. I saw in my perepheral vision na nakangiti siya. The last time we talk about sincere things was years ago. Yes, we talk a lot this year pero it was all about the incident

"Meron ding nagsasabi na kung maganda lahat ng ginawa ng Diyos, bakit naging demonyo ang isang anghel na bumaliktad sa kanya noon?" tanong niya sakin. Napabuntong hininga ako

"Yes, may bumaliktad na anghel sa Diyos noon. Kapalaran iyon ng anghel na iyon na bumaliktad sa kanya. It's his choice. Gusto niyang lamangan ang Diyos kahit na hindi naman niya kaya. No one can beat our God. Walang sino man o walang kahit ano ang makakalamang sa kanya. Kaya ang ginawa ng Diyos, he created hell for the angel who betrayed him. Yung anghel na bumaliktad sa kanya which is si Satan, ay nagsama ng iba pang mga anghel upang may makasama siya sa impyerno. Tinanong niya kung sino ang gustong sumama sa kanya. Kaya ang gustong sumama sa kanya ay mananatili sa baba" paliwanag ko. Napatingin siya sakin na may gulat na mata

"Is this really you, Kenneth? The last time I checked, you didn't pray to God. How about now? Naging malapit ka na sa Diyos" ani niya.

I chuckled "I learned my mistakes, Chloe. Lahat ng mga kasalanan ko noon, pinagsisihan ko. Dianne thought me how to praise God. Well, she thought me how to praise God through her actions. God always have two ways, Chloe. Kung ang iyong dinadaanang daan ay mali, it means God wants to teach you a lesson. Ganyan din ang nangyare ko noon bilang isang badboy. I learned my mistakes na kaya napunta ako sa tamang daan"

"I'm glad na ganito ka na ka faithful sa Diyos, Kenneth. God will always have a plan for us" ani niya. We remained quiet. After how many minutes, napag-isipan naming bumalik sa lugar kung asan silang lahat

"Bakit kayo magkasama ni Chloe?" sarkastikong tanong niya sakin. Tingnan mo toh. Ako pa nga tong nagseselos kahapon, siya naman tong nagseselos ngayon

"Well, nag-uusap lang kami sa isang mahalagang bagay" sagot ko. Akmang susubuan ko na sana siya ng bigla siyang umiwas at seryosong nakatingin sakin habang nakapameywang

"Nag-uusap ba kayo kung paano niyo ako lolokohin?" tanong niya sakin. Gulat akong napatingin sa kanya "Oh? Bakit hindi ka makasagot? Kasi totoo, diba?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 03, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tutoring The Campus Crush (Campus Crush Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon