Hey there, ELLAnatics! At sa hindi ELLAnatics dyan, hello pa rin😂. I would like to announce, gaya nga ng sinabi ko, I will update 3 chapters a week. At mag-uupdate ako tuwing friday ng umaga. Gets nyo? Hahaha! Kidding! Alam nyo naman na sobrang busy ko sa pag-aaral. Last week, nagupdate ako ng 4 chapters kasi lampas isang linggo na akong hindi nakakapag-update. And for now, just as I said earlier, mag-uupdate ako ng 3 chapters every friday. And for my followers on my social media, sorry kung hindi ako masyadong active, wala kaming wifi, eh. And sa computer lang ako nag-twitwitter at nagiinstagram. Tsaka, don't worry...tutuparin ko yung pangako kong mag uupdate ako ng 3 chapters every friday. Kung may time ako, 5 chapters every friday. Busy na kasi talaga ako sa studies ko at sa sinalihan kong organization na Red Cross. Alam nyo na, tungkol iyon sa Health. Thank you for supporting me guys! Sa mga nagvote! Sa nagcomment na bisaya din pala siya, sobrang natuwa ako sa comment niya. Thank you! Don't forget to follow my Facebook Page: Kathy Ford WP, my Twitter: @KathyEllaFord1, Instagram: @iamkathyford. Thank you ulit guys! Love yah!
#TutoringTheCampusCrush
-k a t h y e l l a f o r d
Dianne's POV
"Ayun siya, oh?" tinuro nya naman yung lalakeng nakatayo na nakatalikod sakin. Likod pa lang niya, alam ko na kung sino siya.
'Ano namang ginagawa nya dito? Tinupad nya talaga yung mga pangako nyang babantayan nya akong tuwing gabi? Kapag nagtatrabaho ako? What a coinsidence!'
"Magtrabaho na tayo" sabi ko
"Ate naman, ang KJ mo. Tsaka, feeling ko, may gusto yang si pogi sa'yo eh. Parati ka niya kasi hinahanap sakin kapag hindi ka pa dumadating" ani niya. Natigilan naman ako
"A-Ano? Ginagawa n-nya yon?" tanong ko. Tumatango-tango naman siya
"Opo, ate. In love na ata sa'yo" sagot niya.
'Hindi niya ba ako titigilan?'
Lumabas ako sa room namin at tinungo kung saan nakatayo si Red kanina. Bago pa ako makalapit sa kanya, humarap sya sakin.
"Magtatrabaho ka na?" nakangiting tanong niya. Hindi ko alam pero parang pamilyar yung ngiti nya. Bigla nalang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako doon.
"Aaahhhhhh!!!!!" sigaw ko. Inalalayan naman ako ni Red
Red's POV
Ramdam kong may papalapit sakin kaya napaharap ako sa kanya. Hindi ko inaasahan na papalapit siya sakin
"Magtatrabaho ka na?" nakangiting tanong ko. Mukha naman siyang nataranta tapos napahawak sya sa ulo niya
"Aaahhhhhh!!!!!" sigaw niya habang hinahawakan yung ulo niya. Nataranta din ako kaya inalalayan ko siya.
"Dianne!!!" sigaw ko. Halos lahat ng atensyon ng nasa buong coffee shop, nasa amin. Ano bang nangyayare? "Ano bang nangyare?! Dadalhin na kita sa ospital" sigaw ko. Bigla namang dumating yung kaibigan niya. Si Jaye ba yon? Ah basta, wala na akong time para dyan. Tinulungan nya naman akong ihatid si Dianne sa kotse ko.
*Ford Hospital*
"Bilisan mo, pogi!" sigaw ni Jaye habang papasok kami sa FH. Nawalan ng malay si Dianne kanina nung pagsakay namin sa kotse kaya mas lalo akong nataranta. Pagkapasok pa lang namin, dumeretso agad ako sa Nurse Station.
"Nurse, nasaan ang doctor?" natatarantang tanong ko. Kinuha naman ng nurse ang telepono.
"Hello, doc? May naghahanap po sa inyo dito sa Station 2" sambit ng nurse. Maya-maya, biglang dumating ang doctor na may kasamang isang nurse.
BINABASA MO ANG
Tutoring The Campus Crush (Campus Crush Series #1)
FanfictionA 17 year old smiley girl named DIANNE GARCIA with a thoughtful heart is the daughter of DIANNA and DRAKE GARCIA. Her parents died because of a car accident 2 years ago. Dianne is a transferee student in FORD UNIVERSITY, the University where she fir...