Huhuhuhu😢😥natalo sina kuya DJ sa All star game. Naubos na yung time eh. Anebeyen! It's okay, kahit na hindi nanalo sina kuya DJ sa All star game, panalong panalo naman siya sa puso't isip ni ate Kath! Ayieee!! Ako na tong kinikilig sa inyo, eh. Yung sinabi ko sa inyo na manuod kayo ng THE HOWS OF US, ah? Wag nyo iyong kalimutan. Sa mga pangako ko sa inyo na mag-uupdate ako ng 3 chapters every friday. Tinupad ko iyon guys! Love na love ko kayo, eh. And sa monday, August 27,2018...pupunta dito ang KathNiel dito sa CEBU...Yieeee!!! Super excited! Dream come true ko na toh! Don't forget to vote and comment every chapter. I love you guys! Mwah😘❤
#WeLiveInAKathNielWorld
-k a t h y e l l a f o r d
Dianne's POV
"Hoy! Wag mo akong matatawag-tawag na yaya, huh? Dahil hindi mo ako yaya, tutor mo ako. Bw*sit!" sambit ko. Paano ba naman? Sinabihan ako ng manyak na toh na kunin ko daw yung pambahay na tsinelas niya, at ang mas masama pa dun, may dinugtong pa syang word na 'yaya'.
Nakakainis. Kasalukuyan kaming nasa kwarto niya. Tapos na ang klase namin. Pati ang practice ko. Sinabi ko na rin kay Hazel yung favor na hinihingi ni Mrs. Cruz na sabihan ko daw si siya tungkol doon sa sportsfest. Na ipapa-anounce niya kay Hazel na walang klase next week. It's either pupunta sila sa STIS or manatili sa bahay nila.
Eto namang manyak na toh, tumatawa lang. Nako! Napipikon na ako sa lalaking toh. Sarap tirisin.
"Anong tinatawa-tawa mo dyan? May nakakatawa ba sa sinabi ko?" sarkastikong tanong ko pero nginisihan niya lang ako. "Maswerte talaga ako dahil wala si tita at si Dean ngayon" dagdag ko. This time, mas lalong siyang napangisi
"At bakit? Gusto mo akong solohin, noh?" nang-aasar na tanong. Baliw ata tong lalaking toh. Marami ng hangin ang pumasok sa utak nito kaya ganito siya ka feelingero
"Ha! Asa ka!" pang-aasar ko din. Akala niya ako lang ang pwedeng mang-aasar samin, huh?
"Eh, ano?" tanong niya
"Para masuntok kita ng walang nakakaalam" sambit ko. Tinaasan niya naman ako ng kilay. Tumakbo naman siya pababa kaya hinabol ko siya. Hanggang sa makarating kami sa garden. Medyo gabi na pero maliwanag naman dito.
"Habulin mo muna ako para masuntok mo ang gwapo kong mukha" sabi niya. Eww! Kaluod oyy!
'Bw*sit tong lalakeng toh? Pinapatakbo pa talaga ako?'
Maya-maya, nawala na siya sa paningin ko. Asan na ba yung manyak na yon? "Hoy manyak lumabas ka dyan. Wag mo akong pagtataguan dahil mahahanap at mahahanap pa rin kita!" sabi ko habang lumilinga-linga sa buong paligid. Lumakas bigla ang hangin at sobrang lamig pa. Bigla namang tumayo ang mga balahibo ko.
'Asan na ba kasi yung mokong na iyon?'
"Hoy! Ayaw mo talagang magpakita, huh? Edi wag! Pero eto ang tatandaan mo, manyak! Kapag nakita kita, mabubugbog na talaga kita!" sabi ko tsaka ako bumalik sa bahay nila. Pumasok ako sa kwarto niya pero wala pa rin siya. Asan na ba kasi yon? Mag-aaral pa kami! Pasalamat siya hindi ako magtatrabaho ngayon, pwedeng madagdagan ang time namin sa pag-aaral.
'Kung ayaw niyang magpakita, edi wag!'
Maya-maya, bigla akong nakarinig ng isang kaluskos galing sa veranda. Malakas din ang hangin sa labas kaya nahagip nito ang curtains. Patuloy pa rin ang pagkaluskos galing sa veranda. Ano ba yan? Natatakot na ako, huh?
1.....
2.....
3.....
4.....
BINABASA MO ANG
Tutoring The Campus Crush (Campus Crush Series #1)
FanficA 17 year old smiley girl named DIANNE GARCIA with a thoughtful heart is the daughter of DIANNA and DRAKE GARCIA. Her parents died because of a car accident 2 years ago. Dianne is a transferee student in FORD UNIVERSITY, the University where she fir...