❤TTCC: 11❤

1.8K 19 0
                                    

Dianne's POV

After 15 days.....

"Oyyy, ateng! Wag ka ngang malikot" sambit ni JP na kasalukuyang minamake-upan ako. Ayaw ko sanang mag make-up kaso mapilit sya. Wala na akong ibang choice kundi ang sumunod sa kanya.

Kasalukuyan din kaming nasa condo ko. Sinadya nya talagang pumunta sa condo ko para lang ayusan ako para sa party mamaya. Oo, sasama ako sa Aquintance Party. Wala na rin ako ibang choice dahil masyadong mapilit ang mga kaibigan ko. Si JP lang ang nandito sa condo ko. 4:45pm na kasi, sigurado akong nag-aayos na rin sina Hazel, Dylan, at Kaye. Si JP naman, dito na sya magbibihis.

Nung araw na sinuntok ako ni Chloe, nakaramdam ako ng galit non pero binaliwala ko pa rin.

'Isang pasakit na lang, Chloe. Papatulan na talaga kita'

Kinausap rin kami ni Dean tungkol don.

Flashback.....

"What are you doing here, Ms. Garcia?" tanong ni Dean. Ngayon ko lang sya naka-usap.

"N-Nagpumilit po akong sumama para maipaliwanag k-ko po lahat n-ng nangyare" sagot ko

"Oh, kamusta ka naman?" tanong nya

"I'm okay now, Dean. Nakapagpahinga na rin ako" sagot ko

"Well, I'm happy to hear that. Nagawa kang i-excuse ng kaibigan mo sa first afternoon subject mo. Kaya mo na bang pumasok?" tanong nya. Nakangiti naman akong tumango.

"Yes, Dean" sagot ko. Nakatingin lang sila sakin. Sina Kenneth, Hazel, Anthony, Kaye, Dylan, JP, at yung babaeng nasa gilid ni Dean na batid kong secretary nya.

"Bibigyan ka na lang ni Mr. Gutierrez, which is your Biology teacher ng mga copies sa dinidiscuss at quizzes nya ngayon" sagot nya

"Thank you, Dean" sambit ko. Bumuntong hininga ng malalim si Dean tsaka seryosong tumingin sakin.

"Anong nangyare kanina?" tanong nya

"Kasalukuyan kaming nasa canteen kanina, Dean. Lunch time yon. Nag-uusap lang kami ni Hazel kaso biglang dumating si Chloe kasama ang kaibigan nya." panimula ko. Nanatiling nakatingin lang sakin si Dean "Una nyan, pinagsabihan nya akong wag magpabida dahil hinding-hindi ko raw makukuha ang pwesto nya. Pwestong napakasikat. Akala nya siguro na sikat na ako sa paaralang toh dahil kapag dadaan ako, nasa akin ang atensyon nila." dagdag ko "Pangalawa, may sinasabi syang masasakit sakin pero pinilit kong hindi pansinin yon. Na malandi daw ako dahil dikit ako ng dikit kay Dylan at sa anak nyo ho. Kahit na hindi naman kami masyadong magkadikit ni Kenneth. Alam ko namng sinisiraan nya ako sa mga mata ng estudyante dito sa F.U. dahil nagawa nya rin akong siraan sa mga kaklase ko. Sa mga kapwa estudyante ko pa kaya? Ang gusto nya lang, eh nasa kanya ang buong atensyon. Kung hindi dahil sa anak nyo, hindi mabaling saakin ang mga atensyon ng iba" dagdag ko pa muli. Nilingon naman ako ni Kenneth

"Sinisisi mo ba ako?" tanong ni Kenneth

"Ewan, pero kung yun ang dating sa'yo" sagot ko. Sinamaan niya naman ako ng tingin "Pangatlo, nagkasumbatan na sina JP at Kaye laban kay Chloe. Alam kong ipinagtanggol lang nila ako laban kay Chloe. Naiinis masyado si Chloe kay Kaye kaya nya ito naitulak. Pati kay Dylan at Hazel ay hindi nya nagawang magbigay galang. Ng sabihin ni Chloe na gusto nyang mag magback-up ako sa section 1 ay doon na sya nag-maang-maangang hindi nya sinabi yon. Medyo kabado pa sya non pero sa huli, galit pa rin sya. Agad nya akong sinuntok at sinapak. Hindi ko naman nagawang lumaban dahil kahit anong pag-angat ng kamay ko ay napapalitan ng suntok sa mukha ko." paliwanag ko "Kaya nung sumigaw si Kenneth, biglang tumigil si Chloe. Agad naman syang pina-alis ni Kenneth kaya agad din nyang nilisan ang lugar na iyon kasama ang kaibigan nya. Pagkatapos non, bigla nalang akong nawalan ng malay. Pagkagising ko, bumungad agad sakin ang puting silid kasama si Kaye" dagdag ko

Tutoring The Campus Crush (Campus Crush Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon