Dianne's POV
Flashback.....
"Wow!" ani ng mga ka schoolmates ko.
Kasalukuyan kaming nasa eroplano papunta sa Cebu. Oo, sa Cebu. Ika-labing siyam na araw ngayon ng Hulyo. Ngayon kami pupunta sa Cebu para bumisita sa mga farms. Labing lima ang ginamit na eroplano. Kami nina Hazel, Dylan, Kaye, JP, Kenneth, Anthony, Chloe, Danny, at iba pang ka schoolmates ko, nasa iisang eroplano kami. Yung iba naman, nasa ibang eroplano.
"Ang ganda-ganda" sambit ni Kaye na nakatingin sa bintana upang makita ang mga ulap.
"Sinabi mo pa, sis" wika ni JP na nakatingin din sa labas.
Katabi ko si Dylan tsaka si Hazel. Nasa kaliwa ko si Hazel na malapit sa may bintana ng eroplano samantalang nasa kanan ko si Dylan na malapit sa hallway ng eroplano. Nasa likuran namin sina JP at Kaye. Silang dalawa lang kahit na pang-tatlo ang upuan dito. Nasa pinakalikuran kasi sila. Nasa harapan naman namin sina Kenneth the halimaw at si Anthony kasama ang isa sa kanilang ka team mate sa basketball.
"First time mo bang makasakay ng eroplano, sis?" tanong ni JP kay Kaye. Hindi pa rin maialis ang tingin ni Kaye sa bintana
"Oo. Yieeee!!!ang ganda!" tili ni Kaye.
Totoong maganda ito. Makikita mo dito ang ilang mga lupain at dagat sa Pilipinas. Nasa Luzon pa kami. Mga ilang minuto, nasa Visayas na kami.
"Ang ganda, diba?" bulong na tanong ni Dylan sakin. Nginitian ko sya tsaka ako dahan dahang tumango.
"Sino ba namang hindi magagandahan nyan. Nature is beautiful." sagot ko. Nginitian nya ako pabalik.
Lalo syang gumwapo sa itsura nya tuwing nakangiti sya. Nakasuot lang sya ng plain white t-shirt with matching jeans plus naka-cap pa sya. Samantalang ako, nakalose shirt tsaka naka jeans din.
"Oo nga" sagot niya. Tiningnan ko ulit sina JP at Kaye. "Kasing ganda mo" dagdag nya dahilan para mapalingon ako ulit sa kanya. Kumunot naman ang noo ko.
"H-Huh?" ani ko. Nginisian nya lang naman ako.
"Wala. Sabi ko, maganda nga" nakangiting sambit niya tsaka hinila ang cap nya pababa dahilan para matakpan ang mata nya.
Dahan-dahan kong sinilip ang mukha nya. Naka cap kasi sya diba? Kaya hindi ko masyadong nakita ang mukha nya. I just wanna check kung natutulog ba. Tinignan ko yung mga mata nya kung nakadilat ba o wala. Pero, hindi nakadilat kaya it means, nagpapahinga sya.
"What are you doing?" tanong niya kaya napatalon ako sa gulat. Dali-dali akong umupo ng maayos gaya ng pagkaupo ko kanina. Tinignan nya ako diretso sa mata.
"U-Uhm...j-just checking if y-your sleeping" kabadong sagot ko
'What?! Wag ka ngang maging kabado, Dianne. Hindi sya nakakatakot kaya wag kang kabahan. Right!'
"Talaga?" nakangising tanong niya. Tumango naman ako
"Oo naman. Ano pa bang ibang dahilan?" tanong ko. Pilit kong pinapakita sa kanya na kalmado ako.
"Wala naman. Sinisigurado ko lang" sagot niya tsaka hinila ulit pababa yung cap nya. Pinagkrus nya ang mga kamay nya. Nilingon ko ang gawi nina JP at Kaye kasi wala ng masyadong ingay.
'Mga tulog'
Nilingon ko rin si Hazel na kasalukuyang nakatingin sakin. "Bakit?" tanong ko. Umiling lang sya
BINABASA MO ANG
Tutoring The Campus Crush (Campus Crush Series #1)
FanficA 17 year old smiley girl named DIANNE GARCIA with a thoughtful heart is the daughter of DIANNA and DRAKE GARCIA. Her parents died because of a car accident 2 years ago. Dianne is a transferee student in FORD UNIVERSITY, the University where she fir...