❤TTCC: 77❤

726 11 1
                                    

Kenneth's POV

From: Chloe

Kenneth! Sundan mo si Dianne! Please! Kukunin siya ng mga tauhan ni daddy

(7:09pm)

Agad nanlaki ang mga mata ko. No! This can't be! Nilagay ko ang cellphone ko sa mesa at ipinasa iyon kay Anthony na nasa tabi ko lang. I gave it to him para siya na ang magsabi sa kanila.

Gulat silang lahat ng bigla akong tumayo at tumakbo papunta sa restroom.

'God, please guide Dianne. Sana po walang mangyareng masama sa kanya. Maawa po kayo. Dianne doesn't deserve this. Ako na lang po. Ako na lang ang magpakuha sa mga tauhan ni Carlos'

Hingal na hingal akong tumakbo papalapit sa restroom. Ng nasa labas na ako, bigla kong binuksan ang pintuan sa girl's restroom.

"Mahal?" tawag ko pero wala akong narinig mula sa kanya. Mas dumoble ang kaba ko. Hindi siya pwedeng makuha ng mga Hernandez.

Bigla na lang may nagtakip ng mukha ko gamit ang isang itim na tela na parang sako. Tinatadyak-tadyak ko ang paa ko upang makawala dahil sa naubusan na ako ng hininga. Ng hindi na ako makahinga ng maayos, wala na akong magawa kundi ang pumikit saka ako nawalan ng malay.

***

"Well...well...well..." nakangising sambit ni Carlos na may hawak na patalim kasama ang asawa niyang demonyita. Inikot ko ang mga mata ko. Laking gulat ko ng makita sina tita Dianna at tito Drake, sina mommy at daddy, sina Hazel, Anthony, Kaye, Dylan, JP, Red, Mia, Patricia, Blaze, Chloe, at Danny. Iisa lang ang ilaw namin na nasa gitna. Bale, pinalibutan namin ang ilaw habang kami ay nakatali sa isang upuan.

"Hayop ka! Pakawalan mo kami dito!" sigaw ni Red na nasa gilid ko. Nagising si mommy at tita Dianna sa sigaw ni Red. Pareho silang nagulat ng makitang nasa madilim na lugar kami.

Inikot ko ang mga mata ko "Nasan si Dianne?!" pigil galit kong tanong. Mas lalong ngumisi si Carlos.

He laugh "Kasama niya si Charles. They're making their honeymoon session" nakangising sabi ni Christine.

"Mga walanghiya kayo! Pakawalan niyo ang anak ko!" galit na sigaw ni tito Drake. Buong-buhay ko, ngayon ko lang nakitang ganito ka galit si tito Drake

"Oww...a sweet little father" sambit ni Carlos

"Ano bang kailangan niyo samin? Bakit niyo ba ito ginagawa?" tanong ni Anthony. Nginitian naman sila ni Carlos. Yung ngiting nang-aasar. Lumapit siya kay Anthony tsaka niya nilagay ang patalim sa baba niya tsaka ito pinapadulas-dulas

"Mga pakialamero kasi kayo...kaya kayo nadamay" singit ni Christine

"Anong pinapakialaman nila?" gulat na tanong ni tita Dianna. Ngumisi si Carlos

"Etong mga batang toh" sabay turo sa mga kaibigan ko. Maliban sakin "Ang naging hadlang sa mga plano ko. Akala niyo maiisahan niyo ako? Akala niyo maloloko niyo kami? Pwes, nagkakamali kayo. Mga galaw niyo ay kabisadong-kabisado ko. Pati yung pagtraydor mo samin, Chloe" sabay sulyap kay Chloe

"Stop it! Walang kasalanan si Chloe! Kayo ang may kasalanan! Ginawa lang niya ang tama kaya sya pumanig samin!" sigaw ko. Biglang nagsalubong ang mga kilay ni Carlos at matalim akong tiningnan

"Wala kayong alam! Wala kaming kasalanan! Gusto lang namin makuha ang gusto namin! Masisisi mo ba kami?!" galit niyang sigaw

"Hindi lahat ng gusto niyo, makukuha mo!" singit ni daddy

"Tumahimik ka, Kier!" wika ni Carlos

"Carlos, don't shout at him" ani Christine

"You!" turo ni Carlos kay Chloe "I trusted you pero trinaydor mo ako! Mabuti pa ang kuya mo! Ginagawa niya lahat ng makakaya niya upang tulungan kami sa mga plano namin! Isa kang suwail na bata!"

Tutoring The Campus Crush (Campus Crush Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon