❤TTCC: 53❤

1.2K 19 2
                                    

Kenneth's POV

"Hoy! Nakikinig ka ba?!" sigaw ni Dianne kaya ako napabalik sa realidad

"A-Ah? O-Oo naman" sagot ko. Tumayo naman siya tsaka nakapameywang

"Hoy! Kanina pa ako discuss ng discuss dito dahil malapit na ang second periodical test, hindi ka pa rin nakikinig. I know that you're not listening. Kilalang-kilala kita" pagsesermon nya sakin

"Sorry. May iniisip lang"

"Eh? Ganyan ba ka importante ang iniisip mo kaysa sa pag-aaral natin?" tanong niya habang nakataas ang kilay

"Oo. Ikaw. Ikaw naman ang iniisip ko, eh" nakangising sabi ko. Bigla naman syang namula kaya mas napangisi ako

"T-Tse!" nauutal niyang sabi kaya mas napangisi ako

"Uyy! Kinikilig!" sabi ko sabay tusok sa tagiliran niya. Iwas naman siya ng iwas.

"Tigilan mo ako, pogi ah!" sabi niya sabay iwas

"Uyy! Tinawag niya akong pogi! Ikaw, ah? May gusto ka sakin, ah?" nakangising sabi ko

"Excuse me! Ikaw ang nagsabing yan ang itatawag ko sa'yo. At, wag mong ibahin ang sitwasyon. Ikaw kaya ang may gusto sakin. Noh?" sambit niya sabay flip hair.

'Eto talagang babaeng toh'

"Feeling mo!" pang-aasar ko

"Idol kasi kita eh" nakangising sabi niya

"Ikaw, ah? Iniidolo mo pala ako. It means naaattract ka na sakin, ah?" pang-aasar ko pa

"Eww! Ako maaattract sa'yo? Feeling mo Mr. Ford!" sambit niya

"Pikon!"

"Feeling!"

"Pikon!"

"Feeling!"

"Pikon!"

"Panget!"

"Ano?! Sinong panget?!" tanong ko

"Ikaw! Hindi ba obvious?" sagot niya

Agad naman akong naglakad papalapit sa kanya. Atras naman sya ng atras ng mauntog na yung likuran niya sa pader. Doon ko na sinimulang asarin siya gamit ang mga titig at ngisi ko.

"Anong sabi mo?" nakangising tanong ko tsaka mas nilapit ko pa ang mukha ko sa kanya

"H-Huh? Ang...ang alin?" nauutal niyang sabi kaya mas napangisi ako

"Sabi mo, panget ako. Totoo ba yon?"

"Huh? W-Wala naman akong sinabing panget...p-panget ka" sabi niya

"Talaga? Eh rinig na rinig ko kanina, eh" sabi ko

"F-Fine! Gwapo ka na! Can you just---"

"Huh? Ano? Anong sabi mo? Di ko marinig" wika ko. Pinanliitan niya naman ako ng mga mata

"Ang sabi ko gwapo ka!" sigaw niya kaya ko siya pinakawalan

"Ikaw, ah? Nagwagwapuhan ka na talaga sakin" pang-aasar ko

"Tss. Napilit mo lang po ako" ani niya. Napailing-iling na lang ako at nagpatuloy sa pag-aaral

Kinabukasan.....

"Good morning, beautiful" bati ko sa kanya paglabas niya. Well, susunduin ko siya

"Good morning, handsome. Ang aga mo ata?" tanong niya kaya mas napangiti ako

"Sabi nga nila, kung sino pa yung mas maaga, may pag-asa. Mabuti pa nga ako, eh. Nakapuntos sa'yo. Si Dylan, wala pa" sagot ko. Napahalakhak naman siya

Tutoring The Campus Crush (Campus Crush Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon