❤TTCC: 32❤

1.3K 31 1
                                    

Heyy! Yieeee!!! Kinakabahan ako sa grades ko, guys! Ipagdasal nyo naman ako na ma top 1 ako ulit. Hahaha! Favor lang. Nga pala guys, if you have personal questions sakin, message me nalang sa Facebook Page ko, Twitter, or Instagram. If that's really to private. Happy 1K reads! Bago pa lang tong story ko, super bless ako ng nagbabasa kayo neto. Thank you sa lahat ng nagvote at nagcomment kahit hindi sila masyadong madami...I really appreciate it. Don't forget to vote and comment down below. Lovelots, ELLAnatics💙

#BaliwSiAuthor😂

Red's POV

"Red, anak?" tawag ni mama sakin. Bigla namang syang umupo sa tabi ko. Nasa kwarto ako. Kwarto ko mismo "Anong problema?"

'Kung sasabihin ko po bang si Dianne ang problema ko? Matutulungan nyo po ako. Kung sasabihin ko po bang buhay si Dianne, maniniwala kayo? Malamang hindi'

Alam ni mama na wala na si Dianne. Na 2 years na syang patay. Ganun din ang pinaniniwalaan ko noon. Na wala na talaga siya. Noon, hindi ako naniniwalang patay na siya, pero unti-unti na na rin akong naniwala ng mawalan na ako ng pag-asa. Pero hindi ko kayang sabihin sa kanila na buhay si Dianne. Hindi ko kayang sabihin sa kanila na alam kong hindi pa sya patay. Kahit sa parents nya, hindi ko muna sasabihin. Dahil magkagulo lang ang lahat.

Amnesia. Yang p*steng sakit na yan ang nagdala ng sakit sa buhay ko! Ano bang ginawa kong mali para parusahan ako ng ganito ka laki? Ng ganito ka hirap? Iniisip ko kung ano ang kaya kong gawin para bumalik ang ala-ala ni Dianne? Mahal ko siya kaya dapat ko siyang ipaglaban. Babawiin ko siya. 2 taon ko siyang hindi nakasama dahil lang sa maling akala.

"Wala naman, po" sagot ko tsaka ako tumingin sa kawalan

'Kung babalik ba ang ala-ala ni Dianne, mahal niya pa rin ba ako?'

Huminga ng malalim si mama "Alam kong may problema ka, anak. Just tell me. I'm you're mother, diba?" tanong ni mama. Na miss ko tuloy si papa. Tumango naman ako

"I just miss my father, ma" pagsisinungaling ko. I don't want to open the conversation about Dianne. But totoo ang sinabi kong miss ko na si papa. He left us more than 3 years ago. Yes, his dead.

He likes Dianne for me. Kaya sana, bigyan ako ng pagkakataon ng tadhana na makasama ko si Dianne. I really miss her. "I miss him, too, anak" naiiyak na sabi ni mama. Nung namatay si papa, siya ang mas umiiyak sa harap ng puntod niya.

"Sino kayang gumawa non kay papa, ma?" mahinang tanong ko. Ang totoo, naiiyak na ako. Si papa ang isa sa mga iniidolo ko sa buhay. He's a successful and a great businessman. I want to be like him when I grow up. I wanna make him proud na yung kinatayuan niya ang gusto kong kunin kapag malaki na ako. But now? I don't know if I could see his face smiling at me and giving me a 'I'm proud of you, son' look.

"We don't know, anak. Matagal ng nabasura ang kasong yan. Wala na tayong karapatang magpaimbestiga ulit" umiiyak na sagot ni mama. Niyakap ko naman siya. Ano kayang kasalanan ni papa para patayin siya ng ganun-ganun lang? Mabait ang papa ko. Kaya wala akong makitang rason para patayin siya ng ganun-ganun lang

'I promised myself na kapag nalaman ko o kapag nakita ko na yung taong pumatay sa papa ko, patawarin sana ako ng Diyos sa gagawin ko'

"Why, ma? Bakit kailangan nilang ibasura yung kaso eh wala pa namang nakikitang supect sa krimen? Ano yon? Wala silang pakialam sa kaso ni papa?" inis kong tanong. Mga pulis at mga abogado ba talaga sila? Akala ko pa naman na makakatulong sila sa kaso ng papa ko. Tapos? Binabasura nila ang kaso ng papa ko? Mga walang kwenta!

"Hindi ko alam, anak. Hindi ko alam" sabi ni mama. Bigla namang bumukas ang pinto ng kwarto ko

"Sir Red, nandito po sina Sir Blaze" sabi nung katulong namin.

Tutoring The Campus Crush (Campus Crush Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon