❤TTCC: 54❤

999 19 1
                                    

Kaye's POV

"Oh, ija? Anong ginagawa nyo dito? Gabi na, ah?" tanong ni tita Dianna. Nakaupo kami sa sala nila habang si tito and tita naman, parang nag-aalala. In-on ko yung botton na nasa bewang ko para marinig nila Hazel ang pinag-uusapan namin.

I admit it, maganda ang bahay nila. Paliko yung hagdan nila. Chandelier is all around in this house---wait? Bahay pa ba ito? This is the first time na makapasok ako dito sa mansion nila. Wanna know why I knew this place? Well, gabi-gabi naming binabantayan sina tito and tita sa labas until 12 midnight kaya alam namin kung saan sila nakatira.

"Nakabalik na po si Emily dito sa Pilipinas" diretsong sagot ni JP. Agad ko naman syang siniko dahil baka hindi pa ready sina tito and tita sa mga ganyan. Pero pinanlakihan lang ako ng mga mata ni JP na nagsasabing As-soon-as-possible-they-have-to-know-the-truth look. Nakita kong nagulat naman silang dalawa

"W-What?" di makapaniwalang tanong ni tita Dianna while holding tito Drake's hand.

"Nakabalik na po siya sa Pilipinas kaninang umaga" sagot ko

"Pero? Saan sya galing?" tanong ni tito Drake

"He's from Hongkong, tito. Ngayong nalaman nilang umuwi kayo dito sa Pilipinas, dali-dali siyang umuwi dito to look for Dianne" sagot ko. Agad namang tumayo si tita Dianna

"I need to see my daughter. Baka kung anong gawin sa kanya ni Emily" sambit ni tita na akmang aalis ng pigilan ko siya

"It's not safe for Dianne, tita. Wag muna kayong magpakita kay Dianne" ani JP kaya napatingin siya sa kanya

"Tita, wala pang alam si Emily na may alam na tayo sa katotohanan. At kapag nagpakita kayo kay Dianne ngayon, malamang malalaman nyang may-alam na kayo at nagkita na kayo" ani ko "Tita, kapag nangyare iyon. Dianne's life will be in danger. Gagawin na ni Emily ang hakbang nya na patayin si Dianne ngayong alam nyang may alam na tayo. Kaya as soon as possible, wag muna tayong magpaligoy-ligoy sa ating mga desisyon dahil baka ito ang makakapahamak kay Dianne"

Kumunot naman ang noo ni tito "Anong gagawin namin ngayon?" tanong niya

"Stay. Dito lang po kayo. Wag po muna kayong magpapakita kay Dianne dahil baka makita kayo ng tauhan ni Emily" sagot ni JP

"Ano? Hindi ko na naman ba makikita ang anak ko?" naguguluhang tanong ni tita

"Ito lang ang tanging paraan upang masisiguro nating ligtas si Dianne. Alam kong anytime, nasa condo na ni Emily si Dianne. But don't worry, Hazel and Dylan are there para bantayan siya" sagot ko

"Anong gagawin namin dito? Tutunganga na lang ba habang nag-aalala sa anak naming hindi namin dapat lapitan lalo pa't nakabalik na si Emily, ganon ba yon, ija?" tanong ni tito

"Opo, tito. Dahil batid kong kapag tapos ng bumisita si Emily kay Dianne, pupunta siya dito. Kaya sana tito, tita. Act like you don't know something. Magkunwari kayong walang alam dahil kapag na tyempohan kayo ni Emily, hindi siya magdadalawang isip na patayin si Dianne sa harap nyo mismo" sagot ko

"But? Kung gusto nyang patayin ang anak namin, bakit hindi pa noon?" tanong ni tita

"Dahil gusto nyang malaman ninyo na siya ang nagtago kay Dianne sa nakalipas na dalawang taon. Gusto nyang patayin si Dianne sa harap nyo mismo" sagot ni JP

"No, hindi mangyayare iyan" naiiyak na sambit ni tita kaya agad naman syang niyakap ni tito. Hinihimas-himas ni tito ang likuran ni tita upang patahanin ito

"It won't happen, tita. We won't let that happen. Hindi namin hahayaang may mangyareng masama kay Dianne. Dianne is like a sister to me. Sobra-sobra pa ang nagawa nya para saming magkakaibigan. She makes us smile. Kaya bumabawi lang po kami sa kabutihang ibinigay niya samin" wika ko.

Tutoring The Campus Crush (Campus Crush Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon