❤TTCC: 27❤

1.4K 14 1
                                    

Sorry kung medyo natagalan yung pag-update ko, guys! Sobrang busy ko na kasi sa periodical test. Tsaka kailangan ko pang mag-aral. Oh diba? Ang sipag ko noh? Hahaha! By the way, this Sunday...August 19,2018. May laro sina kuya DJ (All Star Game). It's basketball. Team Daniel (red team) vs. Team Gerald (blue team). Syempre, gaganahan si kuya DJ na maglaro dahil special guest doon si ate Kath, the love of his life!! Ayieeee!! Iba na yan, huh? Hahaha!! Paanong maiiba eh parati naman? And please support KathNiel to their new movie, THE HOWS OF US. How do we save us? Honestly, gusto ko ng maiyak ng makita ko yung trailer. Trailer pa lang yon, huh? Gusto ko ng maiyak. Paano pa kaya kapag showing na? Siguro babaha na sa buong sinehan. Let's support them guys! The Hows of Us showing on August 29,2018 on 250+ cinemas nationwide. Directed by Ms. Cathy Garcia-Molina. Staring Kathryn Bernardo (George) and Daniel Padilla (Primo). Yieee! I'm so excited. The Unbeatable Loveteam. Mark your calendars guys! Mwah! Don't forget to vote and comment down below. Mwah! I love you, ELLANATICS!

#THOU
#KathNielTHOUgether
#WeLiveInAKathNielWorld
#TheUnbeatableLoveteam
#KathNielLoveLots

-k a t h y e l l a f o r d

Dianne's POV

Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko kanina ng nasa canteen kami. Mag ex silang dalawa? Sabi nga ni Hazel, wala siyang alam kung bakit naghiwalay yung manyak na yon at si Chloe. Kahit na nakikinig lang si manyak sa kwento ni Hazel kanina, alam kong may naalala din siya.

Naging badboy lang siya dahil lang kay Chloe. Tsk! Yung babaeng yon. Kinuha ko yung papel ko tsaka ako nagsulat ng pangalan ko sa buong pirasong papel.

*KRING!*KRING!*

Pinuno ko ng pangalan ko yung papel na sinulatan ko. Bakit kaya Dianne yung pangalan ko? Bakit kaya yun ang napiling pangalan ng parents ko? Maya-maya, habang nagsusulat ako, may biglang humulbot sa papel ko.

"Ano ba?!" inis kong tanong ng binalingan ko siya ng tingin

"Kaya pala wala ka sa practice ninyo kanina kasi andito ka! Ano ba kasing ginagawa dito? Tsaka? Nagsusulat ng ganito sa isang papel! Tsk! Boring!" sambit niya. Nilibot ko naman ang mga mata ko. Hindi ko namalayan na dismissal time na pala.

"Hoy, manyak! Ano bang pakialam mo? Eh may practice ka rin naman diba?" tanong ko. Pinanliitan niya naman ako ng mga mata.

"Yeah. May practice pa kami pero nag time out pa kami, panget. Kaya naisipan kong puntahan ka sa court kaso wala ka" sabi niya "And wag na wag mo na ako ulit tawaging 'manyak'. Hindi bagay sakin" dagdag niya

Napangisi naman ako "Ha! Asa ka! Tsk! Tsaka, umalis ka na nga. Punta ka na don sa gym. Mag papractice din ako mamaya" sambit ko.

"Psh! Kasama mo na nga ako, eh. Pinapaalis mo pa. Ayaw mo non? May gwapo kang kasama?" pang-aasar niya.

"Hahahaha!!! Gwapo ka nga pero yang ugali mo, napakapanget" ani ko

"So inaamin mo ngang gwapo ako?" tanong niya habang nagliligpit naman ako sa mga gamit ko.

"Heh! Wag kang umasa" sambit ko tsaka ako nagmadaling lumabas ng classroom. As usual, sinundan naman ako neto.

"Uyyy! Indenial stage ka lang talaga" sabi niya

"Eww! Kainin ka sana ng lupa" sabi ko habang patuloy pa rin sa paglalakad papuntang court. Sinundan pa rin ako ng manyak na toh

"Eww ka dyan! Mas eww nga yang mukha mo!" sambit niya

"Tama na nga! Naririndi ako sa'yo. Magkita nalang tayo mamaya sa labas ng gate" sabi ko

"Sige. Bye, panget. Pasalamat ka, mabait ang mommy at daddy ko kaya parati tayong magkasabay papunta sa amin kasi ayaw nilang may mangyare sa'yo. At ako naman itong si malas, umoo rin" sabi niya tsaka tuluyan ng naglakad palayo

Tutoring The Campus Crush (Campus Crush Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon