❤TTCC: 06❤

2.1K 27 0
                                    

Kenneth's POV

*Lunch Time*

Hindi ako pumunta sa canteen kaninang snacks time dahil busy ako sa pag-iisip. Kasalukuyan akong nasa canteen ngayon

'Ganon ba sya ka dukha para magtrabaho? Working student ang peg?'

'Eh ano bang pakialam ko? Bakit ko ba sya iniisip?'

"Bro, gusto mo mag study tayo sa inyo?" tanong ni Anthony na nasa tabi ko

"Wala akong ganang mag-aral, bro" sagot ko

"Ayyy! Ano toh? Mag-aaral tayo okay? Kita mo naman kung gaano ka hirap yung mga topics natin, diba? Kaya kailangan nating mag-aral para kapag may quiz or test ang mga lecturers natin bawat topic, alam na natin ang isasagot" sagot nya. Bahagya akong napalingon sa kanya tsaka pinag-masdan ang mukha nya.

'Kailan pa toh gustong mag-aral?'

"Kailan ka pa gustong mag-aral ng ganyan?" takang tanong ko

"Syempre, bro. Ako na ang bagong Anthony!" masayang sabi nya

'May tama ata tong lalaking toh'

"Tsk! New you? Kung ikaw si Anthony noon, ikaw pa rin ang Anthony ngayon. Ang sabihin mo, nagbago ang ugali o pakikitungo mo sa isang bagay. Hindi yang bagong ikaw! Kasi once a playboy always a playboy" sumbat ko. Tinaasan nya naman ako ng kilay

"Ang KJ mo. Tsaka nangako ako kay mommy na hindi na ako mambabae" sabi nya. Seryoso ko syang tinignan at.....

"Hahahahahahahahaha!" tawa ko

"Anong tinatawa-tawa mo dyan?" tanong nya sakin

"Hindi ka na mambabae? Hahahaha! Posible ba yon, bro?" natatawang tanong ko

"Oo! Kung may makapagpabago sakin" sagot nya

'Ano o sino kaya ang makakapagpabago dito sa isang toh?'

"Sino? Ano?" tanong ko

"Kung may taong makapagpabago sakin, edi congratulations sa kanya" sabi nya

"Kahit kailan, ang labo mong kausap" sabi ko tsaka ngumiti lang sya.

"Ano? Study tayo sa inyo?" tanong nya

"Oo na!" sagot ko

"Papayag rin naman eh! Nagpumilit pa!" sambit nya

"Oh sige! Babawi---" putol na sabi ko

"Oo na! Oo na! Di mabiro eh" sabi nya

"Tsk!" ani ko

"Oh my gosh, girl! Andito na yung new student!"

"Oo nga! She's so eww!"

"Tignan mo, girl! Sumabay pa sya sa paglalakad kay Vice Pres.!"

"Oo nga! Pathetic!"

"Duh! I hate her!"

Nilingon ko naman ang entrance at doon ko nakita sina Kaye, JP, Pres. Hazel, Vice Pres. Dylan, at si Dianne. Kilala rin ng buong campus sina Kaye at JP kasi parati silang magkasama nina Vice Pres. at Pres.

Umupo sila sa may bandang gilid namin. Kitang-kita ko sa gilid ng mga mata ko na tinitignan nya ako. Hindi ko na sya nilingon ulit tsaka nagpatuloy sa pag-kain ko.

"Kamusta naman ang klase mo, Dianne?" tanong ni Pres.

"Okay naman. Medyo maraming assignments pero kakayin ko naman" sagot nya. Subo lang ako ng subo habang nakikinig sa kanila.

Tutoring The Campus Crush (Campus Crush Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon