Dianne's POV
"W-What?" hindi makapaniwalang tanong ko. Nasa amin ulit lahat ng atensyon sa buong canteen ng dahil lang sa pagsigaw ko at sa pagsigaw ni Dylan kanina.
"I like you! I really like you d*mn so much!" ani niya.
Halos nabara ang lalamunan ko. Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makakilos. Tanging nakantingin lang ako sa kanya.
"I like you from the start. I like you the first time I saw you when Pres. Hazel introduce you to us! And yes, maaring nagdududa ang mga kaibigan natin sa mga pagbabago ng kilos ko, pati nga ako... naninibago" sabi niya "That's the reason why I always care for you. I like to be with you all the time. I like your smile. I like your laugh. I like your anger. I liker your seriousness. I like eveything about you, Dianne. D*mn. I really like you!" dagdag niya. Nanatili pa rin ang mata ko sa kanya
Hindi ako makapaniwala na tama ang mga sinasabi nila na nagkagusto si Dylan sakin. Minulat-pikit ko ang mga mata ko ng paulit-ulit upang makasigurong hindi ako nananaginip.
'Hindi ako nananaginip! Pano toh? Totoong may gusto si Dylan sakin!'
"I like you before until now" dagdag niya
'Is this really true? Dylan Luis Scott which is the Vice President of the student council likes me? Is this d*mn true?'
"Sabi ko na nga ba, eh! May gusto si Vice Pres. kay Dianne" sigaw ni Fenech na nasa kabilang table namin. Pinanlakihan ko naman sya ng mata. Ngumisi lang sya
'Abnormal'
"Agree. Matagal ko na ring napapansin ang pagchachansing ni Vice Pres. kay Dianne" pagsang-ayon ni Shaira
'Ano bang iniisip ng mga ito? Hindi ba nila naisip na naririnig sila ng mga estudyante dito sa lakas ng boses nila? Nakakahiya!'
"Oh ano, Dianne? Tama kami diba? May gusto talaga si Vice Pres. sa'yo" singit ni ni Rayzel
"Support!" sigaw ni Jeah. Nginitian lang siya ni Dylan bago ito bumaling sakin
Para na akong kamatis sa sobrang pula ng mukha ko. May ibang mga estudyanteng nakikinig. May ibang estudyanteng nagagalit. May ibang estudyanteng nagbubulong-bulongan pero hindi ko narinig.
"Thanks! Now, I just wanna go out with my girl" sabi ni Dylan tsaka ako kinaladkad palabas ng canteen.
"Hoy! Hindi mo ako 'girl' ah?" sambit ko. Nginisihan niya lang ako.
'May topak ba tong lalakeng toh?'
Patuloy pa rin siya sa pagkaladkad sakin ng makalabas na kami ng gate. Gusto kong kumalas pero sadyang hinigpitan niya ang pagkahawak sa may pulsuhan ko.
*Restaurant*
"Ano bang ginagawa natin dito?" tanong ko habang naglalakad papunta sa mesang inilahad ng waiter para sa aming dalawa.
"Malamang, kakain" sagot niya. Pinanliitan ko naman sya ng mata
'Tama naman sya, Dianne. Malamang kakain kayo, nasa restaurant kayo eh'
"Bakit ba tayo andito?" tanong ko habang lumilinga-linga sa buong resto
"Wala lang" tipid niyang sagot
"Alam mo? Nag-aaksaya ka lang ng pera mo. Doon na lang sana tayo sa canteen kasi snacks time pa rin naman. Maliit lang ang time para sa snacks time" wika ko habang seryosong tumingin sa kanya. Tinitigan niya ako.
"I just wanna make you special, Dianne. Na kaya kong gawin lahat para sa'yo. Ayaw ko namang kumain doon sa canteen dahil andun pa rin yung nga estudyanteng nagbulong-bulongan doon" sagot niya. Seryoso siya. Walang bahid na galit, takot, sakit, inis, saya, tuwa, at iba pang ekspresyon...maliban sa seryoso
BINABASA MO ANG
Tutoring The Campus Crush (Campus Crush Series #1)
FanficA 17 year old smiley girl named DIANNE GARCIA with a thoughtful heart is the daughter of DIANNA and DRAKE GARCIA. Her parents died because of a car accident 2 years ago. Dianne is a transferee student in FORD UNIVERSITY, the University where she fir...