Dianne's POV
"Hey, Dianne! How are you?" tanong ni Red sakin. Umupo sya sa tabi ko
Nginitian ko sya "Eto, maganda pa rin"
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na para bang nagdadalawang isip syang sumang-ayon sakin "Weh? Di nga? Bakit ang panget mo ngayon?"
Kinurot ko ang tagiliran nya. Sya naman itong tawa ng tawa "Duh? Hindi mo lang napapansin kasi iba ang napapansin mong maganda"
I smirked. Nginuso ko si Mia na nakikipag-usap kay Patricia "M-Mia is beautiful, not you"
Napatawa ako "Sus! Sinabi mo lang yan kasi gusto mo sya, diba?"
Sinamangutan niya ako "Hindi ko gusto si Mia, okay?"
Kinindatan ko sya "I know you too well, Red. Tss. You think you're good in hiding? Well, let me tell you. You're not"
"Bakit mo ba ipinagpipilitang gusto ko si Mia?"
"Bakit mo ba tinatago na may gusto ka sa kanya?"
"Psh! Kaya mo ba ako inaasar kasi wala kang magawa dahil wala ang 'mahal' mo?" tanong niya. I rolled my eyes
"Nope! Hindi kita inaasar. Pero kung iniisip mong inaasar kita, it means naasar ka kaya mo nasabing inaasar kita. I'm just pushing you to her. Alam mo na, Red. Magaling akong kumilatis ng mga taong nasa paligid ko. Don't deny the fact that you like her" Natahimik siya kaya napangiti ako "Don't worry, I won't tell them"
He smiled "Yes, I like her. For the past weeks na nakasama ko sya, she was there to comfort me"
Napangiwi ako "Owh? Because of me? Right?"
Napatawa sya ng mahina "Yes, I admit it. Hindi pa ako masyadong naka-move on sa'yo. Hindi naman ganon kadali iyon. Then nalaman kong gusto ko na pala si Mia. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya ito dahil magkaibigan kami. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin because I confess to her that I like her. Ayoko namang maging rebound ko siya"
Tinapik ko ang braso nya "Hindi naman masamang sabihin sa kanya na gusto mo sya. Ganyan kayong mga lalake eh, parati niyong sinasabihan ng manhid ang mga babae. You can't say na manhid kami dahil hindi namin naramdaman na gusto niyo kami, sadyang hindi niyo lang sinabi iyon samin. Kaya kung ako sa'yo, better tell her the truth. She loves you. I know that"
"Paano mo naman nasabi na mahal niya ako? Ni hindi nga niya ako sinabihan"
"She never told you because she don't want to ruin your friendship. Lahat ng mga desisyon, may rason" sagot ko "I can see her love to you in her eyes. Hindi ako bulag, Red. Her eyes tells me how she really loves you"
Napatahimik siya. Everytime na tumitingin si Mia kay Red or everytime na makikita niya ito, her eyes always sparkled. I know that from the very start. Simula noong magkakilala kaming magkakabarkada. Nung naging kami ni Red, I can see sadness in her eyes. Kahit na naging magkaribal kami noon, hindi niya ako trinatong iba. She's a good friend though. Bagay sila ni Red.
"Minsan sa mga magkakaibigan, may sinesekretong pagkagusto sa kapwa kaibigan niya, kung opposite gender sila" wika ko. Nakatingin lang sya sakin. Nakikinig lang siya sa mga sinasabi ko "Tingnan mo si Blaze at Patricia, you can see Blaze's sparkled everytime Patricia smiles. Everytime na makikita nya ito. Hindi imposibleng maging kayo kung kikilos ka. Wag kang magpakatorpe"
"A-Ayokong paasahin siya, Dianne. Galing ako sa break-up. Ayoko naman na maging panakip butas sya"
"Then mag move on ka na lumalayo. You know? Sa ibang lugar. Na ikaw lang ang mag-isa. For how many days, balik ka ulit rito. Pwedeng sa beach, o di kaya sa mga bundok. Maraming mga pasyalan dyan. You have to lessen your mind" I answered him softly
BINABASA MO ANG
Tutoring The Campus Crush (Campus Crush Series #1)
Hayran KurguA 17 year old smiley girl named DIANNE GARCIA with a thoughtful heart is the daughter of DIANNA and DRAKE GARCIA. Her parents died because of a car accident 2 years ago. Dianne is a transferee student in FORD UNIVERSITY, the University where she fir...