LV 23 - moment of truth

1.2K 31 5
                                    

Chapter 23

~~~

LEE MICHEN

Monday comes, eto na yung araw na sasabihin ni Chione sa bestfriends niya yung tungkol sa kalagayan niya. Nasabi na rin niya sa parents niya yung tungkol dun.

Ofcourse umiyak si Tita Selene, si Tito Caden naman nagalit. Bakit daw hindi agad sinabi ni Chione, they suggested na sa states magpagamot. But she refused to, mas mababa naman daw kasi yung chances of living. Kahit ako pinilit ko na siyang magpagamot pero ayaw niya talaga. Pwede namang umasa sa milagro hindi ba?

“So where is she?” tanong ni Yoora. Hindi naman siya kasali dito e, bakit mas excited pa siyang malaman?

“Pwede ba? Wag ka ngang makealam! Hindi ka naman kasali, you’re not even our friend” At kilala niyo na kung sino yan, ‘twas Ceana.

“Tss!” sagot niya, nasa rest area kami ngayon. Lahat sila magkakatabi sa sofa. Ako nasa harap ng chess table namin. Si Yoora naka-yakap pa kay Irvin, tss! Tignan na lang natin kung anong magiging reaksyon mo mamaya Irvin.

Nasa office siya ng daddy niya, sinundo ko siya kanina kasama yung personal driver ko na sumundo sakin sa dorm. Eversince nagkasama kami ni Chione hindi na ko ulit sumabay sa members ko.

“Ano ba talagang gusto niyang sabihin? Is it something important?” Yannie. It’s the first time I heard her that cold.

“Yeah it is” napatingin ako sa pinto. Tapos na niya kausapin daddy niya. Umupo siya sa harap ko, para lang kaming maglalaro ng chess. “Those who’s not interested may go out for a while” tumingin siya kay Yoora at Irvin. Nagiwas lang ng tingin ang huli at inirapan lang siya ni Yoora.

Hinihila niya si Irvin pero ayaw nitong lumabas. “I’m planning to have a get together this coming week end” nakwento niya na rin sakin ang tungkol diyan. “Consider that as my despedida party” Lahat kami nagulat sa kanya, hindi ko alam ang tungkol diyan. Wala siyang sinabi.

“What? Where are you going?” Ceana. Siya yung unang nag-hysterical. Siya kasi yung mas close kay Chione ngayon.

“You didn’t tell me about those” bulong ko sa kanya, she looked at me sadly. “It’s fine, it’s going to be fine” bulong niya rin pabalik.

“Teka. Ba’t biglaan naman ata Sam?” Janessa. Hindi siya sumagot sa halip yumuko lang siya.

“Gaano ka ba katagal dun?”Jillian. Tahimik lang yung members namin.

“I-i’m going to U.S, how long? I don’t know yet” any minute pwede siyang umiyak, pero alam kong pinipigilan niya. Bawal siya ma-stress.

“Pero ano ngang gagawin mo dun Sam” Sohee.

Love Virus ✔️Donde viven las historias. Descúbrelo ahora