Kahapon pa dapat to e, but the internet sucks! pag ipapublish ko na biglang nagloloko. haha! anyways, napost ko na book 2 ng 30 days of summer. so pwede niyo din siyang abangan kung gusto niyo. kung gusto niyo lang ha? hindi ko kayo pinipilit. haha!
PS: please leave your comments, kahit comments na lang. kahit negative, i need to know your sides and also the flaws of my stories. pwede niyo pong pintasan. but never as in NEVER leave foul words. thank you guys! :)))
***
Chapter 16
Ayanna's POV
"Sinong tinitignan mo?" Kasama ko ngayon si Jin, dito sa ilalim ng puno kung saan kami naging okay. Pumayag na ako na ligawan niya ko, sabi nila Ceana para na rin daw maka-move on. Well, wag niyo sanang masamain ha? I am not using him.
"Ha? Ano wala!" sabi ko at nagpatuloy na lang sa pagbabasa. Ang totoo niyan nakita ko kasing magkasama si Chione at Michen, sila na naman. Almost 2 weeks na rin ang nakalipas simula nung dumating yung mga trainee dito. After nun palagi nang magkasama silang dalawa. Tapos hindi naguusap si Irvin at Chione. Hays!
"Weh? Talaga lang ha? Hindi ka pa rin ba nakaka-move on? Sabi naman sayo I am just here, I am very willing to help you Yannie" Jin.
"Jin, hindi ganun kadali yun. Oo nandiyan ka nga, pero ayokong masaktan kita. Ayokong maranasan mo yung pakiramdam na mahal mo ko tapos ako may mahal na iba, ganun yung nararamdaman ko ngayon. At ayaw kong iparanas sa iba yung nararanasan ko" litanya ko.
"Wow! Nag-matured ka na ha? Congrats! Pero alam mo Ayanna, hindi maiiwasan na may iba pang makaranas ng nararanasan mo ngayon. Infact bago mo maranasan yan naranasan na yan ng mga ninuno natin. So wag mong solohin okay? If you need a shoulder to lean on I'll be here, kahit na nakakangalay yun willing akong maging sandalan mo" HAHA! Loko talaga to. Literal ba naman yung pagkakadescribe ng sandalan?
"See? I did make you smile. Wag ka nang bubusangot ha? Pumapanget ka lalo eh" nahampas ko tuloy siya bigla. "aww. Amazona ka talaga. Tss!" humarap na din ulit siya sa libro niya. Oo, nagrereview kasi kami. Wala akong review buddy eh, yung bestfriend ko kasama yung mahal ko, yung regular class buddy ko nilalandi nung trainee nila. Akala ko ba bawal sa company yun? Nasaan ang hustisya?
"You know what, I always love reviewing under the tree" Sabi niya.
"HA? Bakit naman? Para kang timang nun, wala ka bang study table sa bahay niyo?" tanong ko.
"Meron naman. Pero alam mo yun, mas magandang hangin na natural yung nasa paligid kaysa hangin sa aircon. And it brings back memories. Sabi ng mommy ko nung bata daw ako mahilig akong maglaro sa ilalim ng puno. And you know what? I have this girl bestfriend, hobby nga daw namin na mag-carve sa puno eh" natigilan ako dahil sa sinabi niya. Magcarve? Teka. Parang kami lang ni—
"Hey! Are you listening? Nasa space na naman yang utak mo" sabi niya.
"Aish! Anong nasa space? Oo nakikinig ako no" posible kayang siya yun? Pero hindi eh, hindi talaga pwede.
"Ano palang first exam niyo?" tanong ko sa kanya, para maiba yung topic.
"Algebra nga e, hays! Walang kasawaang math" halata sa mga mata niya na ayaw niya sa math, bakit? Favorite ko kaya yun. "Kayo? Anong first na exam niyo?" tanong niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/11954668-288-k329088.jpg)
KAMU SEDANG MEMBACA
Love Virus ✔️
Fiksi Remaja© teafairynoona - Chione and Kai's story. Another challenging work for me. Hindi lamang ito umiikot sa dalawang tao. More characters, more challenge. I need your support on this. Fighting! Alam kong medyo boring yung works ko salamat sa mga susuport...