LV 24 - kare-kare

1.3K 31 8
                                    

a/n: anong connect ng title? haha! nasasaltik na naman ako :p VOTE and COMMENTS please :[

~

24

JIN CHANIEL HERRERA

“Zui, eto yung programme para sa event sa Saturday” Ako kasi yung naka-assign sa programme proper everytime na may event.

“Thanks Jin, palagay na lang sa table ko. Teka, lunch na ah? Di ka pa ba magla-lunch?” tanong niya sakin.

“Magla-lunch na ko. Tatapusin ko lang ‘tong design na tarp. Hindi pa ba pumupunta si Sam?” medyo kararating ko lang kasi dito, si Sam ang in-charge sa lahat.

“Hindi pa nga e, pero kanina pa daw siya nandiyan. May ginagawa lang daw siya sa special class” Tumango naman ako at nagfocus na lang sa ginagawa ko nang biglang mag-vibrate yung phone ko.

|Where r u?| Si Ayanna. Pag ganitong siya yung unang nagtetext may problema na naman siya. Iniisip ko tuloy baka panakip butas na lang ako. Haaay!

|Tinatapos ko lang yung layout nung tarp, why?| reply ko. After 2minutes nagreply siya.

|Meet me up. Now!| Tumayo na ko agad. Pag siya talaga hindi ko mahindian. Ganun ba ko ka-inlove?

~~~

“Here” sabay abot ko sa kanya ng panyo. Sabi ko na nga ba e, umiiyak na naman siya. “Ano na namang nangyari?” tumingin siya sakin with those sad eyes. Yung palagi kong nakikita.

Pinakalma niya muna yung sarili niya bago siya nagsalita. “Sam’s leaving in a week” she stopped and cried again. She should be happy kasi maghihiwalay na si Michen at Sam.

“You should be happy” umupo ako sa tabi niya. Hindi naman ako against kila Sam at Michen, ayoko lang masaktan si Ayanna.

“I can’t..knowing that my bestfriend is going to die” nabigla ako sa sinabi niya.

“What? Die? Anong sinasabi mo Ayanna?” Ako.

“She has glioma, a brain tumor. Aalis siya next week for surgery and treatment. Pero mababa lang daw ang chance na makasurvive siya after, I don’t know what to do Jin. Hindi na dapat ako nagalit sa kanya these past few weeks” umiiyak na naman siya that’s why I hugged her.

“Alam kong hindi siya galit sayo at naiintindihan ka niya. Mapapatawad ka nun, wag ka na umiyak” I patted her back, para tumahan siya.

After a while humiwalay na siya. “Thanks for being here with me” sabi niya at ngumiti.

Love Virus ✔️Donde viven las historias. Descúbrelo ahora