Ayu Jade's Pov:
~Flashback~
"Hayst! Okay okay let me think of it... give me one week." sabi ni Kyline.
Ewan ko ba feeling ko frustrated na din ako sa mga nangyayari sa life ni Kyky. Pinoproblema ko din si Rev kasi sa tingin ko ang dami niyang babae.
(T-T)
Alam ko naman na walang kami e! Eh kasi naman 'di ko maiwasang magselos.
"Okay. Pero kapag naging tayo syempre may rules tayo tutal magpapanggap lang naman tayo." sabi naman ni Xavier.
"Eh hindi pa nga ako pumapayag diba?" inis na sabi naman ni Kyline.
"Sinasabi ko lang naman." tapos napatawa naman ng mahina si Xavier. "Chill ka lang okay?" tapos kumain ulit siya.
Ewan ko pero sa tingin ko bagay talaga si Xavier at Kyline nafefeel ko na sila yung nakatadhana! Ayieeeee!
Pero kami kaya ni Rev?
Pasimple akong tumingin sa kanya tapos tumingin ulit sa ibang tao.
Mukha akong tanga promise.
"Can I ask?" tanong ko.
"Sure. Ano ba 'yon?" tanong ni David sakin isa pang pogi! Pero loyal ako kay Rev no!
(♡.♡)
"Bakit kayo nandito?" tanong ko.
"Oo nga. Bakit?" nagtanong din si Kyline nagtinginan naman sila kay Xavier at Grayson wahhh! Grabe napapalibutan kami ng gwapo this is really what you called Grasya.
"Tanong niyo kay Xavier." simpleng sagot ni Grayson kaya naman tumingin kami kay Xavier.
"A-Ahh... k-kasi dahil nga doon nililinaw ko lang. Kapag may nangyari kasing masama kay Kyline nakasalalay ang mga financial ko." sagot ni Xavier pero napansin kong namumula yung tenga niya.
Wahhh?! Sino crush niya saming tatlo? Hala baka si Hannah kasi model e! Wahhh! Baka naman sakin? Pero sorry siya kasi may Rev na ako pero... baka kay Kyline?
(O_O)
Posible?!
OMAYGAD! MAGKAKALABLAYP NA SI KYLINE WAHHH!! ACHIEVEMENT.
Nasa kanya naman kung sinong lalaki ang pipiliin niya eh. Dami niyang choices HAHA joke!
Nang matapos kaming kumain ay nagpunta na kami sa parking lot.
"Hatid pa ba namin kayo girls?" tanong ni David.
"A-Ahh... 'wag na kaya na namin." sagot ni Kyline kay David at mukhang namula yung mukha niya!
So si David nga?! OMG!
Sino ba naman kasing hindi magkakagusto sa lalaking gentleman diba? plus pogi pa siya tapos mabait din! Super bait niya he's like a perfect man for girls.
"Take care." sabi nalang David sa amin at ngumiti. Samantalang yung apat na lalaki walang pake at sumakay na sa mga sasakyan nilang magagara.
Tumango nalang kami tapos sumakay sa sasakyan at pagsakay namin ang pag-alis din nung apat tapos sunod si David.
Wait?! Kung may sarisariling sasakyan yun so... OMG! Nung papunta si Hannah dito sumabay siya kay Grayson?!
BINABASA MO ANG
That's My Nerd (C O M P L E T E D)
Teen FictionKyline wants to live a normal life. No mess or anything bad. He wanted to be normal but it didn't seem like a good decision. She's trying to be one good girl, friend and also a daughter. Mananatili na lang nga ba siya sa ganoon o babalik rin siya sa...