Hannah's Pov:
"Saan mo ba ako dadalhin ha?!" sigaw ko. Ang sakit na kasi ng pulsuhan ko ang higpit ng hawak niya.
Hindi ko alam kung part pa ba ito ng campus pero wala akong nakikitang students... aish! Malamang umpisa na ng klase habang ako dinadala ng mayabang na lalaking 'to sa kung saan.
Hindi ko siya mapigilan kahit na humihinto ako kasi napapagod na ako.
Nagulat ako ng huminto kami. Binitiwan niya ako. "Ba't mo ko dinala sa walang katao taong lugar?" mataray kong sabi.
"Para parusahan ka." simpleng sagot niya. Nilagay niya sa pocket yung dalawang kamay niya.
"Excuse me?"
Wala naman akong ginawang masama sa kaniya and besides siya nga yung may atraso tapos ako... PAPARUSAHAN niya?
"Dahil sa pinakita mong attitude sa akin. You will pay for that." sabi niya. Dahan dahang lumapit sa akin kaya napapaatras ako.
Napasandal ako. I'm dead! DEAD END!Bwesit na pader ka ba't ba nasa likod kita!
"Then anong parusa?" pataray ko paring sagot kahit na medyo kinakabahan ako.
***
Kyline's Pov:Sa sobrang bilis ng oras hindi ko na namalayan na break time na pala. Grabe nga e unang klase madami ng pinapasulat.
Niligpit ko yung gamit ko.
"Gusto mo sabay tayo magpuntang cafeteria?"
Please 'wag sana akong mag blush sa harap niya! Buti nga na survive ko pa itong klase after how many hours!
"Nako huwag na... kasama ko yung mga kaibigan ko baka ma-out of place ka and besides may barkada ka diba?Doon ka nalang sumabay ayoko kasing pag initan ako ng students dahil ikaw tinuturing ka nilang Prince tapos sakin ka pa didikit." ngumiti ako sa kaniya.
Ayoko lang talaga pag initan kahit alam kong madaming matang nakatingin sa akin lalo na sa section na 'to.
"Don't worry hindi naman--" hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita.
"You're a Prince and i'm just a nerd... a nobody." sabi ko at umalis na.
Kailangan ko siyang ipagtabuyan. Oo, crush ko siya pero kung ako ang pag iinitan ng buong campus baka hindi ko kayanin. Ayoko ng pumatol sa mga students na walang alam kung hindi ang manghusga.
Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko. Tinext ko si Aj na mauuna na ako sa cafeteria at magkita nalang kami doon.
Habang naglalakad ako natanaw ko sa di kalayuan si Hannah? May kausap na lalaki.
At syempre hindi mawawala ang ilang students na nagkukumpulan. Kinuha ko yung phone ko sa bulsa para itext si Hannah.
May bumangga sa aking tatlong babae dahilan para mabitawan ko ang phone ko.
"Paharang harang kasi." sabi nung babaeng bumangga sa akin.
Hindi na ako kumibo at kinuha ang phone na nabagsak buti nalang naka case yun at hindi nagkaroon ng kahit na anong damage.
"You can't talk?" tinulak niya ako.
I can talk pero ayoko lang.
"Hey nerdy girl talk!" sabi naman nung isang babae.
"Wait girls diba siya yung babaeng lumandi kay prince D?" sabi naman pangalawang babae.
"Yak! What a slut."
BINABASA MO ANG
That's My Nerd (C O M P L E T E D)
Teen FictionKyline wants to live a normal life. No mess or anything bad. He wanted to be normal but it didn't seem like a good decision. She's trying to be one good girl, friend and also a daughter. Mananatili na lang nga ba siya sa ganoon o babalik rin siya sa...