Kyline's Pov:
Tuesday ngayon at naglalakad kami papunta sa classroom namin. Grabe sa tingin ko sobrang haba ng oras kahapon.
"Kyline." napahinto naman kami dahilmay tumawag sa pangalan ko at napalingon kami dito.
"Who are you?" biglang tanong ni Hannah.
"Oo nga? Pero you look familiar... have we met before?" tanong ni Aj dito.
Bigla naman silang napatingin sa akin.
"A-Ah..." hindi ako makapag salita. Grabe naman kasi yung tingin nila sa akin na sino-na-naman-yan-look.
"Good afternoon ladies... I'm Earl Octavio." pakilala niya sa sarili niya sa mga kaibigan ko. "I'm the transferee last time and unexpectedly we have the same strand. Kyline and I are in the same section." dugtong nito.
"So you're Evilyn's brother?" tanong ni Hannah.
"Yes." sagot ni Earl kaya napatango tango naman si Hannah at Aj.
Oo nga! Bakit hindi ko na realize? Pareho sila ng apelyido ni Evilyn. Naaalala ko na siya yung laging tinitignan nung mga kagrupo kong babae dati. Kung hindi ako nagkakamali isang taon lang ang tanda ni Earl dito at madalas siyang mapansin dahil madalas siyang may hawak na libro. Weird right? Mostly sa babae noon sa school namin attractive talaga ang lalaki na may hawak na libro kasi nakakatalino tignan.
"A-Ahh... tara na baka ma-late tayo sa klase." sabi ko kaya agad naman kaming naglakad kasabay si Earl.
Nakarating din naman agad kami at naghiwahiwalay na din kami tapos kasabay ko naman na pumasok sa classrom ay si Earl at bigla ko na namang naramdaman yung mga tingin ng tao sa bawat nadadaanan namin. Nakakarinig na rin ako ng mga pabulong o pagpaparinig na talaga.
"Hindi ba siya marunong makontento."
"Slut."
"Ang swerte niya na nga kay Xavier nakukuha pang makipaglandian sa iba tsk."
"Yeah right. She is a slut."
Grabe may kasama lang akong lalaki at kasabay landi na agad?
"Don't mind them." sabi sa akin ni Earl. Wala naman talaga akong balak pansinin sila.
Agad kaming umupo sa upuan kung saan magkatabi kami. SImula pa lang naman ng pagpasok niya dito na siya sinabihan ni teacher na maupo.
"Tsk."
"Two timer."
"Slut."
"Malandi talaga."
"Haliparot."
Hindi ko nalang sila pinansin pa kahit nakakainis na. Paulit-ulit lang naman mga naririnig ko sa kanila.
"Nga pala bakit nawala ka kahapon?" tanong ko bigla kay Earl.
Bigla naman siyang napakamot sa ulo. "A-Ahh... kasi may..." nag-aalangan niyang pagsasalita."Emergency?" tanong ko na lang baka kasi ayaw niyang sabihin kasi masyadong private.
"Oo tama. Emergency kaya ako n-nawala." sabi niya sa akin kaya napatango naman ako.
"Emergency nga ba?" biglang sumulpot si David na nakaupo na pala sa gilid ko. Napapagitnaan nga pala ako ng dalawang ito.
"Oo emergency." sagot ni Earl dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/147692121-288-k552741.jpg)
BINABASA MO ANG
That's My Nerd (C O M P L E T E D)
Teen FictionKyline wants to live a normal life. No mess or anything bad. He wanted to be normal but it didn't seem like a good decision. She's trying to be one good girl, friend and also a daughter. Mananatili na lang nga ba siya sa ganoon o babalik rin siya sa...