Kyline's Pov:
"Andito na sila."
Ano naman kung nandito na kaming tatlo?
Naglakad lang kami pero yung mga students ay nakatingin sa amin.
"What's wrong?" tanong ni Hannah.
"Maybe.... it's you again Hannah the famous model!" humalakhak si Aj.
Sana nga ganoon nalang pero iba ang kutob ko. Tumingin ako sa taas kasi doon nakatingin yung mga tao kaya tumingin ako. May magtatapon ng kung ano sa amin! Tinulak ko yung dalawa.
"What the..."
Tinulak ko sina Hannah at Aj para hindi mabasa kasi obviously mula sa second floor may nagtapon ng maduming tubig.
"Hahaha! Look! Mukha siyang basang sisiw."
"Deserve niya yan because she's a slut."
"Hahahahahahaha!"
"Take that b*tch."
Pinapakalma ko yung sarili ko.
"Why did you do that Kyline? Look at you you're wet! Sana di mo na lang kami tinulak." sabi ni Hannah sa akin.
"Sino bang may gawa?!" inis na sabi ni Aj.
Biglang may lumapit sa amin. "Such a good friend huh?" ngumisi siya.
"You mean bestfriend idiot." sabi naman ni Aj.
"I'm not talking to you b*tch." tumingin siya kay Aj at inirapan.
"So who are you talking too?" sabi ni Hannah habang abala sa pagtatanggal ng mga dahon sa buhok ko.
"To that b*tch." at tinuro niya ako. "I mean slut." pagtatama nito.
Magsasalita pa sana si Hannah pero pinigilan ko na siya at nagsalita ako. "What do you want?" tanong ko.
"Leave them alone." sagot niya.
Kumunot ang noo ko. "Who?" 'di naman kasi specific e. Ang dami kong nakakasalamuha.
"The Princes." sabi niya tapos biglang may dumating na dalawa maybe yung friends niya din.
"Yeah, leave them alone." sabi naman nung unang babaeng dumating.
"And take this!" bigla niyang tinapon sakin yung hawak niyang harina.
"Hahahahahaha!"
"AHAHAHAHHAHA!!"
"Ahahahahhahaha!"
"Now you look like a trash na. Back off slut." sabi ni Krystie.
And yung nagtapon sa akin ng harina ay si Jenny. Oo, yung Jenny na kung ano ano ang sinasabi sa akin.
Hindi ako nagsalita. Nagpunta ako sa pinakamalapit na powder room.
This is worst right? Wala akong damit. Paano ako papasok?
Inalis ko yung salamin ko tapos nag umpisa na akong linisin yung mukha ko gamit yung panyo.
Binasa ko muna yung panyo ko tapos pinunas ko sa sarili ko. Hindi na ako magtataka na susundan ako nina Aj at Hannah.
"That b*tch." gigil na sabi ni Hannah.
"Paano yan? Walang malapit na bilihan ng damit dito?" sabi naman ni Aj.
Habang abala si Aj sa pagtanggal ng harina sa buhok ko ay nagsalita si Hannah. "Bakit?"
"Anong bakit?" tanong ko pabalik.
BINABASA MO ANG
That's My Nerd (C O M P L E T E D)
Teen FictionKyline wants to live a normal life. No mess or anything bad. He wanted to be normal but it didn't seem like a good decision. She's trying to be one good girl, friend and also a daughter. Mananatili na lang nga ba siya sa ganoon o babalik rin siya sa...