Chapter 32:Real

1.4K 41 0
                                    

Kyline's Pov:

Matapos ang nangyari naging mahigpit ang school guards hindi na sila nagpapasok ng mga taga labas unless yung student mismo yung pupunta doon para may kunin.

Ilang linggo ko na din iniiwasan si Xavier at mukhang wala na din siyang pake sakin kasi nakatuon na ang atensyon niya kay Kathlene.

Sa totoo lang ang laki ng lamang niya sa akin.Siya minahal na.Siya yung una.Siya yung hinahangaan ng marami.Mabait siya...ni hindi ko nga magawang magalit sa kaniya e.Samantalang ako...ako yung may dark side.Ako yung hindi minahal.Ako yung hindi maganda at ako lang naman yung nerd na binully.

Nakatuon nalang yung atensyon ko sa studies tapos malapit na din ang exam kaya basa nalang akonng basa ng mga major and minor subject ko.

"Hey."nagulat naman ako kasi si Laimer papalapit na dito sa kinauupuan ko sa library.

Umupo siya sa tabi ko.

Lately lagi kong nakakasama syempre yung dalawa kong kaibigan tapos minsan si David, Laimer o kaya si Reve di naman kasi kami close ni Grayson pagka bipolar kasi pareho sila ni Hannah.

Nagbasa nalang ulit ako pero napansin ko na may kinuha siya kaya napatingin ulit ako sa kaniya.Nilabas niya yung headset tapos naka connect yun sa phone niya.

"Sometimes you need to rest and just relax.Don't pressure yourself."sabi niya tapos inabot niya sakin yun."Relax ok?"sabi niya na para bang gusto niyang ipasuot sakin yun kaya kinuha ko.

Teka!Nakita ko ba siyang ngumiti?!Napangisi ako."Totoo ba 'to?Ngumiti ka?"sabi ko tapos bigla naman siyang umiwas ng tingin.

Hindi ako nagkakamali!Ngumiti talaga siya."Si Prince L ngumingiti pala.Ang swerte ko naman kasi nakita ko yon."sabi ko pa tapos sinuot ko nalang yung headset at naghanap ng music.

You and I...

Kung hindi ako nagkakamali ito yung kinanta niya sa akin para lang maging fake girlfriend niya.

Pero seryoso?Kami pa ba?

Ewan.

Pinakinggan ko yon.

~Hi...Girl, you just caught my eye
Though I should give it a try
And get your name and your number
Go grab some lunch and eat some cucumbers...~🎶

Parang kahapon lang yung lahat.Yung paghaharana niya sa akin.

"Hey why are you crying?"biglang tanong ni Laimer na doon ko lang namalayan na tumulo na pala yung luha ko.

Ngumiti ako tsaka pinunasan."Wala."sabi ko."Napuwing lang ako."dugtong ko pa.

Bigla niya namang tinuon yung atensyon niya doon sa mga librong nasa ibabaw ng lamesa na tatlo kasi yung pang apat nasa lap ko.

"You are really a bookworm, Kyline."sabi niya at inayos yung pagkakasalansan ng libro about algebra, about physics, about arts and about literature.

Tumawa ako."Yeah.I do.I'm a bookworm."sabi ko at tumawa.

Tumingin siya sa akin tapos ngumiti.

(0.0)

Ngumiti siya?!Ngayon di niya inalis yung tingin niya sa akin."Alam mo ang pogi mo."sabi ko.

"Yeah.I'm handsome.Really."sabi niya.

Ang galing parepareho talaga silang mahahangin.Umirap ako."Binabawi ko na nga."sabi ko tapos umurong ako palayo sa kaniya.

Lahat silang magkakaibigan proud na proud!Nakakatawa hindi ko akalain na pati si Laimer ganun din.

~You and I
Could be like Sonny and Cher
Honey and bears
You and I
Could be like Aladdin and Jasmine
Lets make it happen...~🎶

That's My Nerd (C O M P L E T E D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon