Kyline's Pov:
Hindi ko alam kung bakit ang sama ng tingin ng mga estudyante sa akin simula ng pumasok ako at ngayon ay PE namin kahit yung mga classmates ko ganoon din pero hindi ko nalang sila pinansin.
Hanggang sa naglalaro na kami ngayon ng volleyball grabeng sama ng tingin nila sa akin hanggang sa sinadya nilang patamain yung bula sa mukha ko na naging dahilan ng pagkasira ng salamin ko at pagkaupo ko.
Saktong wala pa si mrs. Tives kaya nagtawanan sila.
"Serves you right bitch."
"Such a flirty."
"Flirty Nerd."
"Hindi ko nga alam kung bakit na-inlove si Prince X sa kaniya?"
"Nang dahil sa kaniya nawala na ang Princess and Prince love team natin."
"Yeah right!"
"Kaya nga bagay lang sa kaniya yan."
Napakuyom ako ng kamao sa sobrang inis ko.Tumayo ako at inapakan yung salamin.
Tama na ayoko na.Sawang sawa na ako sa pag-uugali nila!
Kinuha ko yung bola at seryosong tumingin sa mga nakapalibot sa akin."Sinong nagbato ng bola sakin?"seryoso kong tanong.
Nagbulungan na naman sila.
"Bakit?Aangal ka?"sagot ng babae na nasa may bandang likod at pa-cool.
Ngumisi ako."Tabi."utos ko pero hindi sila nagsitabihan kung hindi mas lalo pa silang nagbulungan.Napapikit nalang talaga sa sobrang inis at binato yung bola dahilan para mag-alisan sila sa pwesto nila.
Pasalamat talaga siya at hindi tumama sa pagmumukha niya yung bolang hinagis niya sa akin.
Nanlaki yung mata niya at nanigas siya sa kinatatayuan niya."Kung anong gagawin niyo sakin asahan niyong gagawin ko pabalik sa inyo yon.Remember what I said and from now on i'm not Kyline...Nerd."pagkasabi ko niyon ay tinalikuran ko sila at sakto namang natanaw ko si Mrs. Tives kaya nagbalikan sila sa pwesto nila at yung mga tingin nila kanina ay nawala pero mas tumindi naman yung pagbubulungan nila.
Napairap nalang ako."Okay now lets continue!"sigaw ni mrs. Tives kaya nag serve na yung kalaban ko.
The game went well at puro babae kami ngayong naglalaro at after us ang susunod ay lalaki naman.
5-10 ang score at kami ang panalo.
"Okay you can go back to your places!Five minutes boys kayo naman sunod."sabi ni mrs. Tives tapos umupo sa gilid.
Umupo ako sa pweto ko at pinunasan yung pawis ko.Naramdaman kong may tumabi sa akin.
"Yline you're back."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.Thats my nickname.My old nickname when i'm heartless and cold.
"Yline...thats your old nickname right?"sabi ni Earl sabay akbay sa akin."Don't you remember me?"tanong niya.
Napakunot ang noo ko."Earl..."sabi ko sa pangalan niya.
"I'm the living mathematician and a computer freak in our high school life.I'm that nerd you saved from those bullies."pagkasabi niya biglang pumasok na ala-ala.
~Flashback~
"Dapat pagbukas niya ng pinto bubuhusan niyo siya ng basura na nasa taas at pagkatapos buhusan niyo ng toilet water."
"Sige sige!"
"Para tuluyan na siyang ma kick out!"
Hindi ko pinansin yung pag-uusap nung limang lalaki na pinagpaplanuhan nila si Nerd.
BINABASA MO ANG
That's My Nerd (C O M P L E T E D)
Roman pour AdolescentsKyline wants to live a normal life. No mess or anything bad. He wanted to be normal but it didn't seem like a good decision. She's trying to be one good girl, friend and also a daughter. Mananatili na lang nga ba siya sa ganoon o babalik rin siya sa...