Kyline's Pov:
Hindi namin siya naging kaklase.
"Hala!Don't tell me iisaisahin natin lahat ng section."sabi ni Aj.
"No choice."sagot ni Hannah.
"Gagabihin tayo..."reklamo niya.
"Ano naman?"sabi ko tapos umupo ako sa sahig ng naka indian sit.
Inumpisahan ko yung section one pero wala din.Nagstart ako sa section 3 buti nalang hanggang section 15 ang fourth year pero madami ang students mga nasa 40 siguro.
Julie...
Jenny...
Jennifer...
Another section.
Jen...
Judith....
Another section.
Jass...
Jern...
"Kyline...paano kung hindi pala natin siya ka year non..."sabi ni Aj.
Posible...
"Ok we need to get those albums then lets look for her name."suggest ni Hannah kaya tumango kami.
Kinuha ni Aj yung 2nd year high then si Hannah yung 3rd ewan pero parang imposible na 2nd high si Jira.
"Ano bang spelling nung babae?"tanong ni Aj.
"J.I.R.A."sagot ko tapos nag continue ako sa pag tingin.
Another section.
Walang letter J.
Naghanap pa ako hanggang sa naka lima akong tingin sa sections.Wala pa din.
Another section.
Wala.
Another...wala.
Another...wala.
Another wala...
Last section...wala pa din.
Napailing ako.
"Jira Do?"
(O.o)
Jira Do?
~Flashback~
"Jacob ano to?"gulat na sabi nung babae.
"We're just talking."sagot ni Jacob.
Talking huh?Seriously e hindi nga ako nagsasalita at nakatingin lang naman sa lalaking to.
"Talking?Bakit ang lapit niyo sa isa't-isa."puna niya.
Naglakad ako paalis kasi ayokong makarinig ng pagtatalo ng dalawang yon.Masakit na sa ulo,masakit pa sa tenga.
"Where do you think you're going?"tanong niya sakin habang hinawakan niya ako sa wrist ko ng mahigpit.
Inagaw ko yun kahit sobrang higpit ng pagkakahawak niya."Aalis."sagot ko at akmang tatalikod pero agad niyang hinawakan yung balikat ko tapos sapilitang iniharap.
"Kilala mo ba kung sino ang kausap mo?"nakataas ang kilay niyang tanong.
Wala akong emosyon na nakatingin sa kaniya."Sino ka ba?"tanong ko.
Tumawa siya sabay ngisi."I'm Jira Do from third year high school section A!"pagmamayabang niya.
"Pakialam ko?"sabi ko at tumalikod tsaka naglakad.
BINABASA MO ANG
That's My Nerd (C O M P L E T E D)
Teen FictionKyline wants to live a normal life. No mess or anything bad. He wanted to be normal but it didn't seem like a good decision. She's trying to be one good girl, friend and also a daughter. Mananatili na lang nga ba siya sa ganoon o babalik rin siya sa...