Chapter 20: It's Not Her

1.6K 34 0
                                    

Kyline's Pov:

Minulat ko ang mata ko.

"Oh! Gising ka na pala." agad na sambit ng nurse tapos lumapit siya sa akin. "Ayos ka na ba?" tanong niya.

"O-Opo..." sagot ko at umupo mula sa pagkakahiga ko.

"Nga pala excuse ka na sa lahat ng subjects mo at maya maya ay uwian na din tapos dadaanan ka ng mga kaibigan mo." sabi nung nurse kaya tumango ako at napansin ko naman na suot ko pa din pala yung black coat ni Latimer.

Nasa bag ko pa ata ang cellphone ko kaya wala akong magawa ngayon.

Hindi ko talaga inakala na makaka experience ulit ako ng ganoon. Inayos ko na pananamit ko pati ugali ko pero bakit nangyari na naman? Ginagawa ko naman ang lahat ah...

Hindi ko na namalayan na may tumulo na palang luha sa mata ko kaya pinunasan ko agad ito.

Kahit hindi talaga natuloy yung plano nila sa tingin ko sobrang dumi ko ng babae...

Nagulat ako nang may pumunas ng luha ko. Tumingala ako. "D-David?" utal kong sabi.

Ngumiti siya. "Shh 'wag ka ng umiyak. Don't worry lagi na kitang babantayan." sabi niya tapos umupo din siya sa gilid ng kama ko at hinawakan ang kamay ko na nasa gilid. "Hinahanap na ng dean yung mga lalaki." sabi pa niya.

"H-Hindi dapat yung mga lalaki ang hanapin." sabi ko. "S-Si...K-Krystie dapat. Siya ang may pakana ng lahat." dugtong ko dito.

"Malabong ma-kick out siya kasi ang parents niya ay isa din sa malaking investor ng school na 'to." may pag aalalang sambit nito sa akin.

Kaya pala ang lakas ng loob niya na gumawa ng kalokohan dito sa campus.

"Sa totoo lang kaya nabuo ang grupo namin para mabawasan ang bully pero wala din namang nangyari." nahihiyang wika nito.

Hindi ako nagsalita.

"OMG!!" narinig kong boses ni Aj kaya napalingon ako sakanya. Inalis na din ni David yung pagkakahawak niya sa kamay ko.

Niyakap ako ni Aj. "Ayos ka na ba?" tanong niya tapos nakita ko naman mula sa likod ni Aj na dumating na din si Hannah kasama si Grayson tapos sa likod ni Grayson ay nakita kong nandoon si Rev.

"Are you okay?" tanong ni Hannah sa akin kaya tumango nalang ako.

Parang nawalan ako ng boses sa mga nangyari. Ayokong magsalita.

Tumayo si David sa pagkakaupo sa tabi ko at lumapit kina Grayson at Rev tapos ang umupo naman sa tabi ko si Hannah at Aj.

"Alam mo ba? Ang bilis kumalat ng nangyari at lahat ng nambully sayo ay sinisisi ng ilang students dito." kwento ni Aj. "Pero ang sabi nila gawa daw ni Jenny 'yon sayo." sabi pa ni Aj.

Ano?! Si Jenny? Bakit siya ang sinisisi?

"Some of the students told us that... si Jenny ay wala sa sarili nito kanina." kwento ni Hannah. "Para bang hindi daw ito mapakali." dugtong nito.

"S-Si..." nahihirapan akong mag salita hindi ko alam kung bakit. "K-Krystie... siya ang may gawa ng lahat." sabi ko.

"ANO?!" malakas na nasabi ni Aj.

"You're too loud." suway ni Hannah dito.

"PAANO AKO KAKALMA! SUMUSOBRA NA 'YANG BABAENG 'YAN! KAKALBOHIN KO NA 'YAN" galit na galit nitong sambit.

"Are you brave enough to fight with her?" ngumisi si Hannah. "Hindi mo siya kaya masyado siyang maalam sa pakikipag away--"

"ARGHHHH!!! KAKALBOHIN KO TALAGA 'YAN! BINUHAY NIYA GALIT KO SA KANYA!" galit na sabi pa rin nito kaya napairap na lang si Hannah.

That's My Nerd (C O M P L E T E D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon