Kyline's Pov:
Matapos ng nangyari ay bumalik na ako sa classroom at bumalik na din si Xavier sa classroom niya kasi ilang minuto nalang at magsisimula na ang klase.
"Kyline." tawag ni Earl. Nilingon ko siya. "How are you? May masakit ba sayo?" halata sa mata niya ang pag-aalala.
Umiling ako at nag-thumbs up nalang kasi wala pa akong lakas para magsalita sa hindi ko malamang kadahilanan.
Pumasok ang guro namin at syempre ang daily routine ay nangyari pero ngayon hindi ako nakikinig sa sinasabi nito at ang tanging nasa isip ko ay si Krystie at Jenny.
Sumosobra na talaga si Krystie pero wala akong lakas para labanan siya hindi na ako katulad ng dati... it's been eight years... I guess.
Alam kong kaibigan ni Jenny si Krystie pero hindi naman tama na siya ang umako ng kasalanan ni Krystie. Pero mukhang blackmailed talaga ang nangyari.
Posibleng pinagbantaan niya talaga si Jenny at napapansin ko 'yon kasi may mga takot sa mata niya na parang kapag hindi niya sabihin na siya ang may gawa may mangyayaring hindi maganda.
"Deep thoughts." puna ni David kaya bumalik ako sa reyalidad na nagpapasulat na pala ang guro namin kaya wala akong nagawa kung hindi ay magsulat na.
"Mind telling me?" tanong ni David.
"I'm fine." tipid kong sagot at nagpatuloy sa pagsusulat.
Matapos ang ilang oras ay umalis na din ang guro namin at mayroon kaming thirty minutes break time.
Bigla akong kinabahan.
"Don't worry I'm here." nguumiti si Earl sa akin. "I won't leave you again." sabi pa niya sa akin at ngumiti.
Kahit papaano ay maswerte ako kasi nagkaroon ako ng panibagong kaibigan.
"I'm sorry but I'll escort her to somewhere." sabi ni David habang nakatangin kay Eark at saka siya bumaling ng tingin sa akin. "So let's go?" dugtong nito at hinihintay ang sagot ko dito.
"Bakit?" tanong ni Earl na halata ang inis sa boses nito pero pilit niya lang itinatago.
"None of your business Earl." walang pake na sagot ni David. "Tara na Kyline." sabi niya kaya wala akong nagawa kasi sa tingin ko importante yung pupuntahan namin.
Pero bago ako nakaalis. "Sorry Earl! bawi nalang ako nextime." sabi ko at nginitian siya.
"I understand." sagot niya at pilit na ngumiti.
Napabaling naman ako kay David. "Bakit ba sinusungitan mo 'yon? Wala namang ginagawang masama sayo 'yung tao ah." sabi ko sa kanya.
"Ganito talaga ako kapag bago sa paningin ko." sagot niya.
"Eh bakit ako?" tanong ko dito.
"Because you're special." sabi niya kaya parang hindi na naman ako nakakibo pa. "Nga pala buti nakakapagsalita ka na ng maayos namiss ko yung boses mo." pagbabago nito ng topic saka ngumiti sa akin.
Ramdam kong namula ang pisnge ko dahil sa ngiti niya. Bigla siyang sumabay sa paglalakad ko tapos doon ko lang namalayan sa Plance pala ang punta namin.
Nakita ko na doon sila Aj, Reve at Laimer na nakaupo.
"Kyline! May kasalanan ka pa samin." sabi ni Aj at agad akong niyakap na akala mo naman ilang years kaming hindi nagkita.
Umupo kami at napansin ko naman na kinausap ni David sina Reve at Laimer.
(>_<)
Nakalimutan ko yung damit niya!
BINABASA MO ANG
That's My Nerd (C O M P L E T E D)
Teen FictionKyline wants to live a normal life. No mess or anything bad. He wanted to be normal but it didn't seem like a good decision. She's trying to be one good girl, friend and also a daughter. Mananatili na lang nga ba siya sa ganoon o babalik rin siya sa...