Kyline's Pov:
Ngayong araw na kami lilipat ng bahay. Naka ayos na lahat ng dadalhin ko. Mga tatlong maleta lang siguro yung dadalhin ko para may extra ako.
Kinuha na nung ilang maids yung gamit ko. Nakaayos na naman ako e. Ihahatid ako ni papa doon sa subdivision.
Nakaayos na ako. Ang kailangan ko nalang gawin ay pumunta sa sasakyan at bumyahe.
Pumunta na ako kung saan nakapark yung sasakyan ni papa. Nakita ko naman na ang ilang maids ay inilalagay yung gamit ko sa likod ng sasakyan.
"Tara na?"
Bumaling ako kay papa at ngumiti. "Opo." sagot ko at sumakay ng sasakyan.
Umupo ako sa front seat. Umandar na ang sasakyan.
Hindi ko alam kung bakit wala akong iniisip ngayon.
"Kapag nandoon ka naman 'wag kayong magpapapunta ng lalaki sa bahay ha."
Kanina pa yan si papa nagpapaalala sa akin e. Tango lang naman sinasagot ko.
"Mag aral kayong mabuti. 'Wag muna mag bo-boyfriend Kyline." medyo naging strict yung boses niya.
Natawa naman ako. "Pa, sa itsura kong to? Sa tingin mo may manliligaw sakin?" sabi ko.
"Aba natural. Kung ako nga nakikita ko kagandahan ng anak ko kahit ganiyan ka."
"Papa naman!" natawa ako.
"Bakit?" natatawang tanong ni papa.
"Wala po mag drive ka nalang po." sabi ko at tumingin doon sa bintana.
Oo nga naman paano niya ako mapapansin kung ganto ako manamit.
Tinignan ko yung suot ko. Pero hindi naman ako manang manamit. Conservative lang talaga ako.
Oo tama conservative lang talaga ako.
Conservative...
*Beep!*
Nag vibrate yung phone ko kaya agad kong kinuha yun sa shouldet bag.
1 message from Hannah...
From:Hannah
Mukhang mamaya pa ako
makakapunta.Kumunot ang noo ko.
To:Hannah
Bakit?Reply ko.
*Beep!*
From:Hannah
Photoshoot.Hindi na ako nag reply alam ko namang busy na yan pag ganiyan. Nakapag-text lang kasi inaayusan.
Hindi ko talaga alam kung bakit nag modeling yan si Hannah e. Mayaman naman sila kayang kaya siya buhayin nila tito at tita.
Last time tinanong ko na din siya pero ang sagot niya lang. "Wala lang and besides its my dream plus extra money."
Hindi ko alam kung bakit wala akong masyadong iniisip.
***
Nakarating na kami sa bagong bahay na tutuluyan ko at si papa ayan na naman siya na wag muna mag boyfriend, na wag magdadala ng lalaki at kung ano ano pa. Paulit ulit lahat.
Tango nalang ako ng tango sa sinasabi ni papa. Tinulungan ko si papa na ibaba ang mga gamit ko.
"Basta anak yung mga sinabi ko wag mong kakalimutan."
BINABASA MO ANG
That's My Nerd (C O M P L E T E D)
Fiksi RemajaKyline wants to live a normal life. No mess or anything bad. He wanted to be normal but it didn't seem like a good decision. She's trying to be one good girl, friend and also a daughter. Mananatili na lang nga ba siya sa ganoon o babalik rin siya sa...