Chapter 34:Starting Over Again

1.5K 36 1
                                    

Kyline's Pov:

Pagkagising na pagkagising ko ay naligo na ako tsaka bumaba para mag breakfast kasama ang mga kaibigan ko.Parepareho nilang hawak yung cellphobe nila at kaniya kaniya ring pindot.

Binuksan ko nalang yung ref para kumuha ng makakain namin.Hotdog at Ham lang ang kinuha ko.Hindi manlang ako pinansin nung dalawa kong kaibigan tsk.Matapos akong maghiwa ay inilagay ko na yung mga hotdog sa pan para lutuin.

*Vibrate!*

Kinuha ko yung phone ko sa bulsa at tinignan kung sino yung nagtext.

From:Unknown Number
Lets have a breakfast?My treat :)

Nang mabasa ko yun ay inilapag ko muna sa gilid yung phone ko para tapusin yung pagluluto ko at inilagay ko na siya sa plato.Sinunod ko naman yung mga ham na ilagay sa pan.Kinuha ko ulit yung phone ko at nireplayan siya.

To:Unknown Number
Nagluluto na ako.No need.

Ewan ko pero feeling ko ang cold ng dating nung text.

(._.)

Message sent...

Inilapag ko ulit yung phone ko at niluto ko na yung ham.Mga 15 pieces na hotdog din yung niluto ko tapos hinati ko sa gitna and then itong ham naman ay nasa 10 pieces kaya medyo natatagalan ako.

After a minute...

Natapos na akong magluto kaya hinainan ko na yung mga kaibigan kong busy sa mga cellphone nila kaya napahinto sila nung naamoy nila siguro yung niluto ko.

"Nakapag luto ka na pala!"halos gulat na sabi ni Aj.

Ngumisi ako."Eh kasi naman ang busy busy niyo sa cellphone niyo.Ano ba kasi yang pinagkaka abalahan niyo?"tanong ko tapos umupo na.

Tumayo si Aj at kumuha ng tubig tsaka baso."Well its because of my shedule for shoot as always.Inaayos ko kasi hindi ako pwedeng panay absent baka wala akong matutunan."sabi ni Hannah at ibinaba ang phone.

"Ako n-naman syempre chat-chat lang."sabi ni Aj tapos umupo.

Bakit parang may tinatago si Aj?

"Who?"tanong ni Hannah.

Napakamot naman sa ulo si Aj."S-Si Reve..."sagot niya.

Ayon!Si Revefor.

Napangisi naman ako."Ano na bang meron sa inyo?"tanong ko habang kumukuha ng hotdog para ipalaman sa tinapay ko.

"Uhmmmm....we're friends!"sabi niya sabay subo ng hotdog.

"Friends lang ba talaga?"tanong ko ulit at kumagat sa tinapay ko.

"O...o nothing less and nothing more."parang hindi niya sigurado kasi yung pag-oo niya putol pa.

Natawa ako."Why are you laughing?!"parang inis na sabi ni Aj.

"Its because you can't label your status with him."sabat ni Hannah.

"Hala!D-Di kaya!"inis na sabi ni Aj.

"Wag kami Ayu Jade kilala ka na namin.Yang itsura mong yan tsk tsk!Parang yung kay Oliver lang."sabi ko sabay halakhak.

Si Oliver kasi yung first boyfriend ni Aj nung highschool.

"Yeah she's right.Aj kung ako sayo umpisa palang pigilan mo na yang nararamdaman mo sa kaniya."sabi ni Hannah.Her words of wisdom again!

Pagsasabihan na naman niya kami.Parang nanay na talaga namin to eh!

"Bakit kaya mo bang pigilan yung pusong nagmamahal?"sabi ni Aj sabay pout.Hindi nakasagot si Hannah."Eh kayo ni Grayson ha?Ano na bang status niyong dalawa?"usisa ni Aj.

That's My Nerd (C O M P L E T E D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon