Prologue

144 10 0
                                    

Prologue

**

When I was still at my younger age - six or seven years old, if I'm not mistaken. I already witnessed my Mommy and Daddy fighting over petty things.

Until now. I've already grown up pero wala pa ring pinagbago ang lahat. Magulo pa rin. I can't understand myself. I want to understand everything but I just can't. Hanggang ngayon nagiging palaisipan sa'kin kung bakit nangyayari lahat ng ito.

"Nambabae ka! Kitang kita ko sa dalawang mata ko! Huwag mo kong linlangin!" galit na sigw ni Mommy.

Napahigpit ang hawak ko sa aking manikang hawak. Nakasilip ako sa may kuwarto ko habang tumutulo ang mga luha sa pisngi ko.

"Huwag mo muna akong guluhin ngayon, Arabella."

Nakita ko kung paano itinaboy ni Daddy ang kamay ni Mommy mula sa pagkakahawak. Mas masakit pa palang makitang nag-aaway ang magulang mo kaysa manakawan ng kendi.

"Please! Maawa ka naman sa anak mo! Ilang taon pa lang siya! Ayokong mawala siya ng ama!" pagmamakaawa ni Mommy.

"Hindi ako nambababae! Manahimik ka diyan!" tinulak na niya si Mommy kaya medyo napaurong at napaupo ito.

"I just want the best for your daughter, Prolito!"

"Bakit hindi ko ba binibigay ang best ko para sa anak natin?!" masama ang tingin ni Daddy kay Mommy.

Kahit nakaupo si Mommy ay kita kong nakikiusap pa rin siya kay Daddy sa kung ano.

"Kung gusto mo ang best para sa anak mo. Huwag kang mambabae!"

"Huwag kang magmalinis! Una kang nangabit, Arabella!"

Umiiyak na ngayon si Mommy habang naiwang nakaupo. Hindi ko na napigilan ang paa ko at naglakad ako patungo sa kaniya.

Lumuhod ako sa kaniyang harapan at pinunasan ang kaniyang luha. Ngumiti ako at binigay sa kaniya ang hawak kong teddy.

"Mommy, don't cry na. Here's Kuala, she wants to hug you." nakangiti ko pa ring sambit.

Mabilis nagpunas ng luha si Mommy at niyakap ako ng mahigpit. Niyakap ko rin siya kahit hindi ko pa abot ang kaniyang likuran.

"Baby, always remember. Mommy loves you so much."

"I will, Mom. Don't cry na..."

I wiped my tears using my two hands. Punong puno na ng luha ang pisngi ko sa bawat naaalala ko kung paano na-realize lahat ng iyon.

All my mom said were true. There were no lies. Nambabae ang Daddy ko at kitang kita ko pa sa sarili kong mga mata iyon kaya galit na galit ako kay Daddy ngayon.

"Dad, bakit mo nagawa samin 'to?" naluluha ang aking mga mata.

I was six years old since I witnessed that and now I am twenty two years old. Nahuli ko siya ngayong twenty two na ako, kung kailan kaya ko ng intindihin ang lahat.

"What are you trying to say, Raea?" mariin ngunit kalmado ang kaniyang boses.

Nayukom ko ang kamao ko. My tears fell down but I bit my lower lip to stop the tears from falling.

"Bakit mo nagawa samin 'to ni Mommy? Bakit ka nambabae? Bakit mo nagawa 'to?! Bakit kahit wala na si Mommy ay hindi ka pa ring dinadalaw ng konsensya mo?!"

Galit na galit ako. My mom died three years ago because of a heart attack. My mommy did her best to recover but the path didn't let her. She died peacefully, but before she died nagbitaw siya ng kung mga anong salita sa'kin.

What Hurts The Most (Lacrosse Villavista Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon