Chapter 14

41 8 0
                                    

Chapter 14

**

Pagod akong umupo sa isang upuan sa sofa ng condo unit ni Clarisle.

Hindi ko naturan ang mga batang mananayaw. I quit on it dahil hindi ko siya kayang isingit sa schedule ko. Pumayag naman ang isang kasama ko nakaya niya naman daw at meron namang papalit sa akin.

Nakausap ko na rin si Misis Medina Morascue tungkol sa kung anong meron kung bakit ako nagquit. Pumayag naman siya. My reason was valid and acceptable kaya naman wala siyang nagawa.

The whole day, Stan never left any kind of message. Kinakabahan ako at hindi ko alam ang gagawin ko dahil hindi na mapanatag ang dibdib ko.

I think something went wrong. Hindi lang ako basta basta i-ignored ng ganito ni Stan for nothing.

I type a message for Clarisle but seconds, minutes and hours have passed. Wala pa ring nagrereply sa lahat ng tinext ko. Hindi ko na talaga kayang umupo lang dito habang kinakabahan.

This day, ang daming pangyayari. Nalaman ni Teacher Carnella ang lahat. Nagkausap kami at gusto niyang bitawan ko ang pangarap ko. Nalaman ko rin na may binabalak si Esmeralda kay Daddy kaya halos lahat ng iyon ay pilit bumabalik sa isipan ko.

My phone vibrates. I thought it was a text from Stan but it was a message from Vanz. I opened the message immediately kahit nanginginig ang kamay ko.

Vanz:

Are you with Sir. Stan? Isang buong araw na siyang hindi pumupunta sa kaniyang bar.

Ginapang ako ng kaba. Nanginig ang dalawang kamay ko. I bit my lower lip. Nagtipa ako ng reply sa kaniya.

Me:

Kasama ko siya kagabi. Nagmadali lang siyang umalis dahil tinawag siya ng kapatid niya.

I hit the sent button.

I wiped my face using my palm. The tears are in the corner of my eyes but I still manage to control it. Hindi ko naman kailangan na basta-basta na lang umiyak.

I dialed Stan's number but he was out of coverage area.

My phone beeped. I open and read it.

Vanz:

Oh. Thank you. Baka may ginawa lang siyang importante. Stay positive, Raea!

Kahit papano sa mga text messages ni Vanz ay nagiging magaan ang loob ko. Baka nga naman may ginawa lang siya kaya hindi niya ako ma-contact sa isang buong araw. Baka importante at kailangan ko lang siyang intindihin.

Wala kaming relasyon ni Stan kaya wala akong karapatan para magreact ng ganito.

Me:

Alright. Thanks, too.

While waiting to Stan's reply. Hindi ko napansin na madaling araw na. Ako ang mag isang nagpla-plano kung paano ko makakausap si Esmeralda na walang masasaktan. Hindi niya ako masasaktan at hindi ko siya masasaktan.

I never get angry with anyone, except noong nambabae si Daddy dahil nagalit talaga ako pero ngayon ay galit na galit ako sa kaniyang kabit. Kailangan malaman ni Daddy lahat ng 'to!

Kinabukasan maaga akong pumasok para makibalita kung kumalat na ba ang tungkol sa amin ni Tristan dahil alam kong nasaktan ko rin si Teacher Carnella.

God knows, I don't want to hurt her! Hindi ko nga alam na hanggang ngayon ay ako pa rin ang mahal niya.

I thought he had already moved on.

"Ma'am Raea, ano ang balitang kumalat sa Grifston University?"

Agad akong sinalubong ng mga katunangan kapasok ko pa lang sa faculty room at hindi man lang ako nakakaupo muna bago nila ako batuhin ng kung anu-anong mga katanungan.

What Hurts The Most (Lacrosse Villavista Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon