Chapter 24
**
Hindi ko maisip na naipaglaban ko ang pagmamahal ko kay Stan sa kaniyang Daddy. Hindi ko rin lubos na maisip nagawa kong maglakas loob sa harapan niya kahit takot na takot na ako sa loob ko.
Alam kong may mga magagawa siya pero hindi ako nagpatinag. Masyado kong mahal si Stan para iwan. Siya na lang ang meron ako at ayoko ng maiwanan pa. Gusto ko ng maramdaman ang pagmamahal na kailangan ko.
This is the day I want to be brave. Not for me, but for Stan. Ito 'yung mga araw na kailangan kong ipaglaban ang nararamdaman ko para sa kaniya. Kahit daddy niya pa ang makakabangga ay ayos lang, huwag lang siyang mawala sa akin.
"May problema ka ba?" Tanong sa akin ni Mylene.
Inaayusan niya ako ng mukha. Habang si Nadya naman ay hinihintay ko para ayusan niya ako ng buhok, sina Stacey at Daisy ay mabilis na naghahanap ng damit ko na inutos ni Nadya sa kanila. May gaganapin na photoshoot ngayong araw. Ito 'yung dalawa kami ni Juancho.
Bahagya akong umiling. "W-Wala naman." Ngumiti ako para sa blush on na nilalagay sa pisngi ko.
"Mukha ka kasing may problema. Tulala ka kaninang kinakausap kita."
Ganoon ko na kalalim iniisip ang nangyari kahapon para maging lutang? Masyado na ba akong halata na may problema akong dinadala?
"Sorry hindi kita nasagot may iniisip lang ako. Ano ulit sinasabi mo?"
"Hay naku! Halatang halata na may problema ka pero kung ayaw mo naman sabihin. Okay lang,"
Hindi naman sa hindi ko gustong sabihin pero ayoko lang kasing malaman nila tapos kakalat at magiging issue. Ayoko na ring isipan ang ganoong bagay.
"Sinasabi ko sa'yo kung okay lang bang ibuhaghag natin ang buhok mo ngayon at bigyan natin ng konting naka-layers na buhok."
Nakakahiya naman dahil kaninang kinakausap niya ako ay hindi ko na pala siya masagot. Si Nadya raw ang mag iipit sa akin at titignan ni Lusita ang schedule ko. Ang dami ko pa lang hindi narinig na sinabi niya.
"S-Sorry... may iniisip lang talaga ako," paghingi ko ng paumanhin.
She nodded her head. Tumingin ako sa salamin at tinignan ang hitsura ko. Finocus ko ang sarili ko at hindi na muna nag isip ng kung anong mga bagay. Hindi puwede, ayoko ng ganito.
"Pero sana maging maayos 'yan agad para hindi maapektuhan ang pagiging model mo. Tignan mo ngayon, inaayusan kita pero nakatulala ka kaya hindi maganda ang pagkakalagay ng make ups mo." Seryoso niyang sambit.
I swallowed. "Pasensya na..."
"Okay lang, halika paayos ko na ang buhok mo."
Pumunta sa puwesto ko si Nadya para ayusan ako. May iilang mga damit ang nilapag sa harapan ko. Si Lusita ay binigay na sa akin ang schedule ko ngayon kaya alam ko kung anong oras ako magsisimulang magbihis.
Si Manager Maraline ay dumiretso sa lugar ko. Sa kaniyang likod ay si Ate Shakirah pero bigla itong lumiko at pinuntahan si Kayleigh na ngayon ay kasama si Adler habang si Juancho ay inaayusan ng kaniyang hair and make up artist.
"Ready ka na ba? Ala onse ang simula ng photoshoot niyo ni Juancho." Paalala niya.
I slowly nodded my head. "Y-Yes po..."
Tumango siya sa akin. "Mabuti naman kung ganoon," bumaling siya ng tingin kay Nadya, "Ayusin mo siya ng maayos. Gusto ko maganda siya sa kahit kanino dito, okay?"
"Your wish is my command, Manager. Don't worry, ako ang bahala kay Raea. Sigurado akong siya na ang pinakamaganda sa lahat!" Nadya chuckled.
Napailing na lang ako at hindi na sumagot. Natapos niya akong ipitan at ipasuot sa akin ang isang khaki shorts at croptop spaghetti strap blouse at tinernuhan ng isang kulay puting sandals. Sa pagkakaalam ko ay bench ang aming ie-endorse kaya naman kailangan disenteng tignan.

BINABASA MO ANG
What Hurts The Most (Lacrosse Villavista Series #2)
RomanceShe is a broken hearted woman, not just by his past relationship but also to her family. Her mom passed away when she was still young. Nanatili siya sa puder ng kaniyang ama ngunit nagkaroon ng panibagong ka-relasyon ang kaniyang ama na kinagalit ng...