Chapter 38

58 7 0
                                    

Chapter 38

**

Nagtext sa akin si Adler kaninang umaga para makipagkita dahil may gusto siyang sabihin sa akin. Hanggang ngayon ay nag iisip pa rin ako para sa susunod na plano ko. Hindi naman ako papayag na mapupunta lang sa wala lahat ng sakripisyo namin ni Stan.

I still don't have any idea why Adler suddenly contacted me. I'm still curious about it. Kung puwede lang na i-move na ngayon ang usapan ay ginawa ko na pero hindi. May kailangan muna raw siyang puntahan bago ako puntahan.

"Ewan ko na lang kung hindi pa malinawan ang hayop na ama ni Stan. What kind of father he is!"

Alam kong galit ngayon si Clarisle dahil sa nakuwento ko sa kaniya lahat lahat ng napag usapan namin sa loob. Sa totoo lang, kahit galit ako sa ama ni Stan ay nananaig pa rin sa puso ko ang respeto para sa kaniya.

Nang umalis ako sa harapan ni Tito Samuel ay hinabol ako ni Tita Kriselda. She begged me, she even managed to kneel but I refused. Hindi ko kahit kailan hinangad na may lumuhod sa akin dahil gusto ng kapatawaran ko.

Pinatawad ko naman siya agad kahit wala siyang kasalanan at pagkatapos non ay umalis na ako dahil hindi ko kayang makitang nagluluha ang mga mata niya.

She's different. Tita Kriselda is one of a kind. Katulad lamang siya nila Ate Elisse at Kuya Kalli na parehong mabait sa akin.

"Take a look," ani Adler ngayon na may nilapag na envelope na brown sa harapan ko.

"What is this?" tanong ko habang binubuksan ang envelope.

Kabukas ko ay nakita ko ang iilang papel sa loob. I take a glance at him but he pointed out the papers na parang sinasabi niya I should read these papers first before anything else.

"Shannon Ramado and Gracie Ellaina Mangilas?" kunot noo kong tanong, "Uhm, wait, I can't clearly understand. I'm sorry. Care to explain it?"

Sa nabasa ko pa lang ang pangalan ng dalawa ay hindi na ako mapakali. I know there is something wrong with it. Hindi naman ito ipapakita ni Adler kung wala lalo na bago magquit si Adler ay doon pa lang lumitaw si Shannon sa kaniyang tabi kaya naguguluhan ako.

I thought, Adler liked Shannon? 'Yun pa nga ang naging dahilan kung bakit ko nalaman na may nangyari na kay Kayleigh at Adler dahil kay Shannon din.

"Shannon has been my friend since then, nagkahiwalay kami dahil kinakailangan kong magtrabaho sa Manila. Naginy busy ako at hindi ko siya natuunan ng pansin kaya naman nakakilala siya ng ibang kaibigan which is Graella... habang wala ako ay sila ang magkasama."

Mas lalo akong naguluhan. Nakatuon pa rin ang tingin ko sa mga papel habang pinapakinggan ang kaniyang sinasabi.

"Dahil magkaibigan ang dalawa at gusto ni Shannon na magalit sa akin si Kayleigh at ganoon din si Graella para magalit si Stan sa'yo ay gumawa sila ng way para masira ang image natin dalawa..."

Doon ako natuon ng atensyon. My lips parted with my shocked expression. I can't believe it!

"I was mad at Kayleigh because of what she had done but I was wrong because Shannon was at fault. Especially, Graella. Sa kaniyang ideya lahat ng iyon dahil sa sobrang desperada niyang makalimutan si Raius ay gusto niyang makuha agad si Stan sa'yo para kahit papano ay masasabi niyang nakamove on na siya kay Stan."

Hindi ako makasagot agad. Napro-proseso pa rin sa akin ang lahat ng sinasabi ni Adler. Kung tutuusin ay mabait naman talaga si Kayleigh, hindi niya lang napipigilan ang kaniyang nararamdaman dahil akala niya ay may relasyon kami ni Alder. Ganoon din siya kay Juancho na kaibigan nito na ayaw niyang palapitin sa akin dahil sa issue ng mga magulang namin pero makikita mo sa kaniya ang pagiging concern nito.

What Hurts The Most (Lacrosse Villavista Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon