Chapter 16
**
It has been months, I've already moved on from everything even if it hurts and kills me. I've learned how to stand on my own feet. Hindi ako makakapagsimula ng panibago muli kung hindi ko tatanggapin lahat ng pangyayari sa buhay ko.
This is just a challenge for me, I know God challenged me on how to be strong enough.
The day since my Daddy was shot by Esmeralda, and Esmeralda was shot by the police. Esmeralda was dead on arrival, habang si Daddy ay tinakbo siya sa hospital pero ilang araw lang din ng lagutan siya ng hininga.
Yes, my dad died.
He never opened his eyes to me. Kahit gusto ko siyang kausapin ay wala akong nagawa dahil hindi niya ako binigyan ng pagkakataon na humingi ng tawad dahil nahuli ako sa pagpunta sa mansion. Sana ay maayos ang lahat kung naligtas ko siya pero alam ko naman na lahat 'to ay nangyayari dahil may dahilan.
Everything happens for a reason, right?
"Ma'am Raea, you have a photoshoot later," Lauren said in her gentle voice.
I nodded my head. "Sige, susunod ako," malumanay kong sagot.
Sina Tita Matilda at Tito Frederick ang nagpasok sa akin bilang model, nung una ay kinakabahan pa ako dahil wala naman akong alam sa ganitong trabaho pero kalaunan ay pumayag din ako.
Wala naman kasing mangyayari sa akin kung ipagsisiksikan ko ang sarili ko sa mga bagay na hindi talaga para sa akin.
Mylene walks through my direction. "Raea, retouch natin ang mukha mo. Huwag kang nagpapawis sabi na, e. Mamaya doon ka muna sa may aircon kung hindi pa agad magsisimula ang photoshoot mo."
Mylene is my make up artist, she's professional when it comes to makeup kaya wala naman akong masabi sa kaniya while Lauren is my secretary. May mga iba pang umaalalay sa akin sa ganito dahil bago lang ako.
Bago nila ako sinalang ay pinagpractice muna nila ako hanggang sa nakayanan ko na ang magrampa pero hindi pa rin ganoon kahusay.
"Ang ganda ganda talaga ng hugis ng mukha mo!" She compliments my physical appearance kaya napangiti na lang ako.
"Lahat na yata ng make up ay puwedeng gamitin sa'yo kasi hindi naman namimili ang mukha mo." She added.
"Sus, mas maganda 'yung sa'yo..." Pagtatanggi ko.
"Huwag nga ako! Binobola mo lang ako, e!"
Natawa na lang siya sa sinabi ko at nagpatuloy sa pag aayos ng mukha ko. Habang nakapikit ay naaalala ko lahat ng nasira kong pangarap.
My shattered dreams and my broken heart nandito pa rin hanggang ngayon pero tanggap ko na. Maybe being a bartender doesn't suit me, being a history major - my passion, my dreams and my everything does not fit me.
And now, being a model. Ilan beses kong sinabi sa sarili ko na last na 'to. This will be the last.
"Naku! Iwasan ang pagluluha, Raea! Masisira ang make up mo!" Mylene hissed, "Mamaya ka na umiyak kapag tapos na shoot!"
Nagmulat ako ng mga mata. Inabutan niya ako ng tissue. Kita ko ang namumuong luha sa mga mata ko pero pinunasan ko na 'yon. Napansin kong papalapit sa amin si Nadya - she's my hair artist at siya na rin ang namimili ng mga isusuot ko.
She let me wear short shorts and white t-shirt para sa isang magazine na ilalabas ko this month. Marami akong isusuot na damit ngayong araw dahil we're in a rush. Kapag nagtagal ay baka hindi ngayong buwan malabas ang magazine.
"Buti pumayag ang boyfriend mo sa pagmomodel mo?" Nadya asked me.
I smiled when I remembered Stan. Nung una talaga ay ayaw na ayaw niya dahil daw ayaw niyang lumabas ang katawan ko. Nagkaroon pa kami ng pag aaway dahil doon, natural lang 'yon sa pagiging model. Expose isn't a problem, kay Stan lang talaga malaki ang problema pero kalaunan ay pumayag din siya dahil kinausap siya nila Tita Matilda at Tito Frederick.

BINABASA MO ANG
What Hurts The Most (Lacrosse Villavista Series #2)
RomanceShe is a broken hearted woman, not just by his past relationship but also to her family. Her mom passed away when she was still young. Nanatili siya sa puder ng kaniyang ama ngunit nagkaroon ng panibagong ka-relasyon ang kaniyang ama na kinagalit ng...