Chapter 04

64 8 0
                                    

Chapter 04

**

"Umalis na tayo hangga't kaya ko pang magpigil ng galit, Raea." He sexily whispered.

Ilang beses akong napalunok at tila umatras ang mga luha sa mata ko. Nasa tabi ko siya ngayon habang hawak hawak ang braso ko.

Sa kalayuan ay napansin kong napatingin pa rito si Tristan na may pagtataka sa kaniyang mukha pero iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at binaling kay Stan.

"How did you get in?" Kuryoso kong tanong.

Kanina nung pumasok ako ay pinakita ko ang identification card ko noong college ako. Hindi kasi sila basta basta nagpapasok na lang dito kung wala namang valid reason.

Nakatingin siya kung nasaan si Tristan pero nang tanungin ko siya ay napaharap na siya sa'kin.

"Sinabi kong nasa loob ang girlfriend ko." He teased me.

Nanliit ang mga mata ko pero may kung anong kumabog sa dibdib ko. Hinayaan ko na lamang iyon dahil baka dahil lang sa nangyari kanina.

"Let's go home," He added.

Ngumuso ako at umiling. "Kailangan kong mag apply nang trabaho dito hangga't maaari."

He frowned. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ko pero anong magagawa ko kung kailangan ko ng pera?

"Seriously? You can't apply to this University while your ex-boyfriend is here!"

Mas kumunot ang noo ko. What does he want to imply then? Seriously speaking, I can't really get him.

"I can... I can avoid him! Nakita mo kung paano siya nag walk out kanina? I can defeat him. Kaya kailangan kong mag apply ng trabaho dito dahil mas mataas ang chance na matanggap ako."

"O' baka naman kaya mo gusto dito dahil nandito ang ex-boyfriend mo at mas mataas ang chance na magbalikan kayo."

"Hindi ganoon 'yon." malumanay kong sambit.

Hindi ko alam kung ano ang nasa isipan ni Stan ngayon at kung bakit niya nasabing para magkabalikan kami ni Tristan.

"Ganoon iyon, Raea!" He shouted.

Kita kong nagulat siya dahil sa pagsigaw niya kaya pati ako ay nagulat na rin. Bakit siya sumisigaw? Galit ba siya? Pero magagalit siya, saan?!

"I'm sorry. I didn't mean to shout at you. But I need some fresh air. I better go first if you don't want to come with me."

Nasundan ko ng tingin ang kaniyang paglalakad palayo sa'kin. Nakakunot pa rin ang noo ko sa kaniyang inakto.

"Is that your new boyfriend?" Napansin ko na nasa tabi ko na ulit si Tristan.

Umiling ako. "He's my friend."

"He looks boastful." Ngiwing sambit niya habang inaayos ang kaniyang polo.

"He's not." I defended Stan.

Sa tingin ko ay sumama ang tingin sa'kin ni Tristan sa hindi ko malamang bagay. Pero alam ko sa kaniyang hitsura ay galit siya.

I know Tristan for every single detail of his life.

"Well..." he stopped, parang hindi alam ang kaniyang sasabihin.

Tumikhim ako. "Aalis na muna ako. Pupunta lang akong principal office."

Tumango ito. "Samahan na kita. I just want to say sorry for what I've done a short while ago."

"Not a big deal. Kaya ko na rin naman pumunta sa principal office. You can go to your class now. Baka malate ka ng pasok, umuwi na mga estudyante mo."

He glanced at his wrist watch. "Okay. See you later."

What Hurts The Most (Lacrosse Villavista Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon