Chapter 30

47 6 0
                                    

Chapter 30

**

Hindi mawala sa isipan ko ang mukha ni Stan kagabi kung totoo bang nakita ko siya o namamalikmata lang ako dahil sa masyado kong pag iisip sa kaniya. Hindi naman ako nahalata ni Juancho dahil binaling ko agad sa iba ang tingin ko.

Hindi rin ako masyadong nakatulog ng mahimbing dahil naiisip ko ang mga salitang binitiwan sa akin ni Stan. Gusto ko pa siyang makausap kaso baka ano na lang ang masabi ko at madudulas lang sa kaniya na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon.

Nagiging mapagmasid din ako sa galaw ni Adler dahil kaninang kasama ko siya sa tabi ng beach ay bigla siyang lumapit sa akin at tinitigan lang ako ng matagal. Ilan beses ko siyang sinita pero ngumisi lang siya at hinawakan ang mukha ko na naging dahilan para mataboy ko ang kamay niya.

Kung hindi ako nagkakamali ay nakita ni Kayleigh ang ginawa sa akin ni Adler kaya nakita ko kung paano mas umusok ang kaniyang tainga at ilong sa galit. Oo nga pala, gustong gusto siya ni Kayleigh pero ginawa niya sa akin ang ganoong bagay.

"Two piece suotin mo mamaya ha? Huwag kang tatanggi!" Si Nadya sa tabi ko habang nakasuot ng malaking sombrero.

Ngumuso na lamang ako at binalingan ang dagat sa may malayong parte. Tahimik ang dagat at parang wala ka ng ibang maririnig kundi ang malakas na alon nito at ang malamig na simoy ng hangin.

"Gusto ko lang full-covered na swim wear..." sagot ni Mylene.

Mylene is slim and has a perfect shape of body kaya nga nagtataka na lang din ako kung bakit ayaw niyang magsuot ng two piece. Hindi naman sa nang aano, pero bakit niya kinakahiya ang katawan niya?

"Hay naku, Myls! Bahala ka. Basta kami two piece. Hindi ko nga alam bakit mo kinakahiya ang katawan mo, e, ang ganda ganda naman." Si Daisy sa kaniyang medyo pagalit na boses.

I agree. Maganda talaga ang katawan niya kaya hindi niya dapat itago. Gusto ko siyang kumbinsihin pero mas pinili ko na lang na manahimik na muna.

"Madaming scars... ang... katawan ko..." Aniya sa isang malungkot na boses. "Bata pa lang no'n ako ng saktan ako ng mga magulang ko, bumakas lahat sa akin iyon..."

Ang kaninang tahimik na lugar ay mas lalong nawalan ng ingay. Maski ang dagat ay tila humina sa pag alon. Tinignan ko si Mylene, she has an unshed tear in her eyes.

Ngumiti ako at lumapit sa akin. "Walang kuwenta ang mga scar na 'yan as long as maganda ka dito..." tinapat ko ang kamay niya sa kaniyang dibdib, "Matatakpan 'yan... Be confident sa lahat ng bagay. Huwag mong pansinin ang mga nasa paligid mo."

"Tama, tama!" Si Stacy. "Totoo 'yan. Ipakita ang natural na ganda!"

Hindi na kumibo si Mylene basta ngumiti na lang siya at tumingin sa ibang bahagi ng dagat. Naging tahimik ang paligid dahil doon kaya nagpasya ang iba na pumasok na lang ulit sa loob ng resort para hindi na maging awkward ang pagsasama namin.

Naglalakad ako sa pangpang ng dagat habang ninanamnam ang lamig ng tubig. Walang gaanong katao tao dito kaya malaya mong gawin ang gusto mo. Malapit na ako sa may mga shells ng biglang may tumawag sa akin.

"Raea! Wait!" he shouted again.

Napahinto ako at dahan dahan na lumingon sa pinanggagalingan ng boses na iyon. Nakita ko siya na nakaswin trunk lang habang may suot suot na white sando at naka-islander na tsisnelas.

"Adler?" tawag ko. "May kailangan ka?"

He smiled at me at tumabi sa akin. Nilagay niya ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang bulsa habang nakatingin pa rin sa akin.

"May kailangan ka ba?" pag uulit ko ng sasabihin.

He slowly shook his head. Ngumuso ako at tumango. Sa isang tahimik na dagat ay wala na akong ibang marinig. Hindi naman kasi nagsasalita si Adler sa tabi ko.

What Hurts The Most (Lacrosse Villavista Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon