Chapter 01

94 9 0
                                    

Chapter 01

**

Walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko. Pakiramdam ko naka ilan balde na ako na luha dahil sa patuloy na pagtulo nito.

It really hurts when my father pushes me away. Mas masakit pa nung panahon na naghiwalay kami ni Tristan.

Tristan is my first love. He is the man I wanted to marry. Sa kaniya lang ako nangako na hinding hindi ko siya iiwan kahit anong mangyari.

Siya rin ang unang nagsabi sa'kin na kung wala na akong kakampi sa mundo huwag ko siyang kakalimutan dahil siya ang magsisilbing sandalan ko sa mga oras na kailangan ko siya.

Siya na nga lang ang kinakapitan ko nung mga panahon na 'yon pero kumalas pa. All he has said were lies! Walang totoo kahit isa sa mga sinabi niya. He just promised that's all.

"Dito ka muna mag stay habang hindi ako umuuwi madalas dito."

Napatingin ako sa pinsan ko habang nag aayos siya sa hapagkainan. Hindi pa rin pala kami nakakakain hanggang ngayon dahil sa iniyakan ko ang pinsan ko. Na-kuwento ko lahat sa kaniya.

"Hindi ako magtatagal dito, Clarisle. Nahihiya ako sa'yo dahil ikaw na lang lagi ang tumutulong sa'kin."

Napatigil siya sa pag aayos at tinignan ako. She raised her left eyebrow.

"Natural pinsan kita kaya ako na lang ang masasandalan mo habang buhay."

Clarice Aisle is so kind. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit mahal na mahal siya ng boyfriend niyang si Brione Marcello.

Wala na siyang makikitang katulad ng pinsan ko kaya nasa kaniya na ang problema kung sakaling pakawalan niya pa ito.

"Salamat talaga sa tulong mo..." mahinahon kong sabi.

She smiled and nodded her head, "Anytime. Tara na, kumain na muna tayo bago ka matulog."

Hindi ko alam kung dito mag i-stay si Clarisle dahil alam ko naman na busy siya sa kumpanya dahil siya ang CEO ng De Nuava Launcher. Nakakainggit siya, bukod sa kumpleto ang pamilya niya at may maayos pa siyang trabaho.

Tama naman si Daddy. I'm a useless person. I deserved this kind of pain dahil hindi naging mabuting anak.

"Uuwi ka ba sa inyo?" tanong ko.

Umupo ako na halos kasing sabay lang ni Clarisle. Kita kong malungkot siyang tumingin sa'kin.

"I really want to stay beside you but I have a lot of things to do later. Siguro ay bukas ay dito ako mag i-stay. I'm not yet sure."

Tumango na lamang ako. "Okay lang 'yon. Kaya ko naman ang mag isa dito. Bukas ay hahanap ako ng trabaho, susubukan ko."

"Ayaw mo ba sa De Nuava Launcher?"

Kumuha ako ng kaunting kanin at ulam. May mga dinagdag si Clarisle na ulam sa plato ko pero pinigilan ko na siya dahil ayoko namang manaba.

"Hindi ako mahilig sa business. I'm not into it, right? Education ang passion ko pero hanggang ngayon ay wala pang kumukuha sa'kin."

"Ah! Basta ganito na lang. If you need my help just contact me and I'll be there. Okay?"

"Okay."

Matapos ang ilang minuto naming pagkain ni Clarisle ay nagpahinga lang siya ng mga ilang sandal bago magpaalam na aalis na kaya kaalis niya ay agad akong pumuntang kusina para ayusin ang mga pinagkainan namin.

Nilinis ko ang buong unit ni Clarisle para hindi nakakahiya dahil nakikituloy lang ako rito. May nakita akong iilang pictures nila ng kaniyang boyfriend at meron din kami pero isa lang 'yung panahong nag boracay kami.

What Hurts The Most (Lacrosse Villavista Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon