Chapter 26

51 6 0
                                    

Chapter 26

**

I really can't believe I fell for him! Sana noon ko pa naisip na babaero siya at kahit kailan hindi siya magseseryoso sa akin pero nabulag ako at nahulog ang loob ko sa kaniya.

Kailangan kong pigilan si Graella sa gusto niyang mangyari! Hindi siya puwedeng ikasal kay Stan dahil alam kong paglalaruan lang siya nito.

Graella is a nice girl, she doesn't deserve pain and a broken heart. She deserves everything not him.

Kinuha ko ang cellphone ko sa pocket at hinanap ang pangalan ni Graella. I bit my lower lip while typing a message for her.

Me:

Hi, Graella. Good morning. How are you? Uhm, I want to say something... but I know Stan, he's one of my jerk friends before. I'm telling you, don't marry him! He will just hurt you. I'm just concerned about your feelings because you're such a nice girl.

Tinignan ko muna ang message na tinype ko para sa kaniya. Umiling ako at binura ang message na tinype ko.

I took a deep sigh. Ilan beses akong naglakas ng loob bago magtipa ng panibagong message para sa kaniya.

Me:

Uhm, hi Graella! Gusto ko lang sabihin na huwag mong papakasalan si Stan. Babaero iyon. Walang alam kundi ang mga babae sa paligid niya pagkatapos makuha ang gusto ay bigla na lang iiwanan.

Gusto kong sumigaw dahil sa tinype kong message. Mas okay pa nga iyong una kaysa sa pangalawa. I deleted the message, hinayaan ko na lang muna na makaisip ako ng paraan paano hindi matuloy ang kasal nila.

My phone vibrated. Mabilis ko itong kinuha at binasa ang text message na nagpadala sa akin.

It was from Lusita, my scheduler.

Lusita:

Raea. Good morning. Mamayang 1pm na iyong pagju-judge mo sa mga model sa MC Building.

Napakurap kurap ako sa kaniyang text message. Oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan na kinuha akong judge para sa Models Company Building.

I slightly punch my cheeks.

Me:

Okay, sure. I'm coming.

Kababa ko ng cellphone ay mabilis akong tunayo mula sa kinauupuan ko. Alas onse y' mediya na at konti na lang ang oras ko para mag ayos. Sa MMCC ako magpapaayos kaya dapat magmadali na ako.

I'm wearing a simple red backless dress. Knee length. V-neck and slightly showing my cleavage. Nakapusod ang buhok ko kaya mas makikita ang batok ko na may nakatattoo doon na pero hindi siya permanente.

"Nakalimutan mo sigurong magju-judge ka ngayon no?" Lusita asked me.

Naglalakad pa lang ako papasok ay sinalubong na nila ako ng mga katanungan. Isa na doon si Lusita na sinundan ako.

Nakita ko sa paligid ko ang iilang models na galing sa MC Building. Sa nakikita ko sa kanila ay mukhang may confident naman sila sa kanilang ayos. Nakikita ko rin iyon iba na nagpra-practice sa may gilid.

"Oo. Sorry may iniisip kasi ako..." sagot ko habang naglalakad.

"Halata nga eh. Ang tagal mong sumagot, medyo lutang ka pa. Seriously? Kaya mo ba talagang magjudge ngayon? Baka iba iba ang masabi mo."

She has a point pero okay lang. Siguro mamaya ay maaalis na ako sa pag iisip. It's not important anymore kaya nga nagtataka ako kung bakit naiisip ko pa rin siya hanggang ngayon.

Hindi naman ako papayag na makasal sila ni Graella, sasaktan niya lang ito gaya ng pananakit niya sa akin.

"Kaya ko don't worry. Ayusan niyo na ako, baka mahuli ako sa pagju-judge..."

What Hurts The Most (Lacrosse Villavista Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon