Chapter 37
**
Dahil sa pagkaaga aga kong paggising ay naglakad muna ako sa kahabaan ng daan ng probinsya namin. Hindi ko na namamalayan na nakarating na pala ako sa bayan ng Puerta Verde.
Maingay ang buong paligid. Naririnig ang pagtunog ng kampana ng simbahan. Ang iilang naglalako ng mga paninda nila. May mga batang limos ang lumalapit sa mga tao para manghingi ng pera o anong tulong at pagkatapos n'on ay aalis na sila.
Nakasuot lamang ako ng isang khaki shorts na brown kaya pinagtitinginan na ako dito. Maayos naman ang malaking t-shirts na suot ko na nakatucked in sa loob ng aking shorts. Nagterno lang ako ng isang sneakers shoes sa damit ko.
Hindi pala ganito manamit ang ibang mga probinsyana. Mala maria clara kung kumilos at manamit kaya kung tignan nila ako ngayon ay malalaman nilang laking Maynila ako o ibang lugar.
"Ate! Ate! Bili ka na sampaguita!"
Napayuko ako nang makita ko ang isang batang nakataas ang kamay na may hawak hawak na sampaguita. Hindi naman madungis ang kayang hitsura kung tutuusin ay maayos pa ang kaniyang pananamit.
Ngumiti ako at dumukot ng kahit magkano sa bulsa ko at sinubukan na bumili.
"Magkano isa?" Tanong ko habang nakangiti.
"Tig sampu lang, Ateng maganda!" he hissed with his happy voice.
Tumango ako at dinungaw sa kaniya ang perang nasa kamay ko. Binigay niya sa akin ang isang sampuguita na agad kong inamoy. Ngumiti ako at nagsimula nang maglakad patungo sa loob ng simbahan. Sinabit ko na lamang ang sampaguita sa isang imaheng nandoon sa loob ng simbahan at pagkatapos non ay lumabas na ako.
Namili ako nang mga puwedeng bilhin. Mga pagkain at pangangailangan namin dahil alam ko naman na medyo magtatagal pa kami rito kaya habang mas maaga we should know how we will make ourselves alive.
"Ooppss! Sorry, Miss!"
Napahinto ako nang muntikan na akong mabunggo ng isang lalaki. Nakaskate kasi siya kaya hindi niya masyadong na-control ang kaniyang paglalarga.
Sinundan ko ng tingin ang lalaki. He stopped, kinuha niya ang kaniyang skater at lumapit sa akin. Inalis niya ang kaniyang helmet na nasa ulo, kaalis nito ay mabilis niyang inayos ang kaniyang buhok.
"Pasensya na talaga..." anito sa malumanay na boses at tila pagod na rin.
Umismid ako at tumango, "Hindi mo naman ako natamaan. It's okay..."
Kumurap kurap siya habang nakatingin sa akin. Afterwards, he smiled at me. Pinunasan niya ang kaniyang kamay at nilahad sa harapan ko.
"France nga pala..."
Ilan segundo ko pang tinitigan ang kaniyang kamay bago ko ito tanggapin. I smiled back.
"Raea." simpleng sambit ko.
Sinuri niya ako mula ulo hanggang paa. Hindi nawawala ang pagkakatitig niya sa akin na para bang kilala niya ako. Hindi ko rin naman kasi iisipin na aabot hanggang dito ang pagiging modelo ko kaya panatag naman akong lumayag anytime dito kasi alam kong hindi ako sikat dito kumpara sa Manila.
Natahimik kami ng ilan minuto. Nakatingin lang ako sa ulap na ngayon ay nakikita na talaga ang kaliwanagan nito. Siya naman ay ramdam kong sa akin pa rin siya nakatingin.
"Uhm, kumain ka na ba?" pambasag niya ng katahimikan.
I slightly shook my head, "Namili pa lang ako..." tinaas ko ang plastik na hawak hawak ko.
Lumingon lingon siya sa paligid. "Tara samahan mo kong kumain ng suman o kahit anong puto na makikita natin diyan."
My eyes slightly widened as my eyebrows creased.

BINABASA MO ANG
What Hurts The Most (Lacrosse Villavista Series #2)
RomanceShe is a broken hearted woman, not just by his past relationship but also to her family. Her mom passed away when she was still young. Nanatili siya sa puder ng kaniyang ama ngunit nagkaroon ng panibagong ka-relasyon ang kaniyang ama na kinagalit ng...