Chapter 13

41 9 0
                                    

Chapter 13

**

Sa loob ng condo unit ni Stan ay nanatili akong tahimik. Hindi nagsasalita habang nakatingin sa likuran ni Stan na gumagawa ng kung ano sa kusina. Siguro ay dinner namin dahil dito niya na ako dinala.

Manggagabi na rin pala. From the window, I can see the scenery outside. The sunset and the city lights. Almost white ang kulay ng paligid.

What he has said a while back is still flashing back in my mind. Tila isa akong baliw dahil napapangiti na lang ako kahit mag isa lang. Kapag napapalingon si Stan ay umiiwas na lamang ako ng tingin at inaalis ang ngiti sa labi ko.

Napalingon si Stan sa akin kaya naalis ko ang ngiti ko. His eyebrow slightly furrowed but after seconds naalis na rin 'to.

"Raea, what food do you want?"

He's not wearing any clothes on top! Nakasuot lamang siya ng apron kaya mas lalo akong namumula mula sa kinauupuan ko.

"Kahit ano na lang," sagot ko para muli siyang tumalikod.

"Walang kahit ano na pagkain..." He sexily laughed at that.

Nanliit ang mga mata ko. "You decide. Kahit ano naman ay kakainin ko..."

Tumaas ang kilay niya. He's teasing me! Pagkatapos kanina na pakiligin ako ngayon naman ay nang aasar siya.

"Even me?" he sexily said, "Kahit ako kakainin mo, Raea?"

Mabilis namilog ang mga mata ko. "Magluto ka na nga lang!" Namumulang mga pisngi akong umiwas ng tingin.

I heavily sighed when he turned around while laughing. I put my right hand on my chest. Ramdam ko ang malakas na tibok ng puso ko.

Kahit kailan hindi ako ganito kay Tristan. Kahit mahal na mahal ko noon siya ay hindi ako nagiging ganito. Kay Stan lang nangyari lahat. Siya lang ang nagpabago ng lahat sa akin.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa. Lumingon muli sa akin si Stan na may hawak hawak na kawali na mukhang magluluto na.

"Where are you going?"

Ngumuso ako ng bahagya. "May damit ba ako rito?"

Kumunot ang noo niya. "Maliligo ka?"

I slowly nodded my head. "Yup. Init na init na ako sa attire ko. Kaninang umaga ko pa suot."

Tumango siya. "Sa kuwarto ko. The small cabinet, nandoon ang damit ni Celestine na hindi ko nabigay nung pinabibigay ni Raius."

Talaga bang close na close si Celestine at Stan? Hindi naman ako dapat magselos pero hindi ko maiwasan. Alam kong may boyfriend na si Celestine at pinsan pa ni Stan pero anong magagawa ko? Nagseselos talaga ako.

"Okay..." I said in my gentle voice.

Pumasok ako sa kaniyang kuwarto para maghanap ng damit sa sinabi niyang kabinet. May iilang damit doon na mukhang pambabae.

Kay Celestine lahat ng 'to?

O sa mga babae niya na inuuwi sa kaniyang condo? Pero sa pagkakaalam ko ay hindi siya nag uuwi ng babae sa kaniyang condo. 'Yun ang pinakaayaw niya pero bakit nandito ako ngayon?

I quickly took a shower. Nagbihis din ako at nag ayos sa malaking salamin sa kuwarto ni Stan. Nilinis ko naman ang kuwarto niya kaya okay lang na gamitin ko ang banyo at kuwarto niya.

"Raea, are you done already?" A sweet voice came from outside.

Mabilis akong tumayo at sinabit ang tuwalya sa likuran ng pintuan ng banyo niya pagkatapos ay mabilis akong lumabas ng kaniyang kuwarto.

What Hurts The Most (Lacrosse Villavista Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon