Chapter 05

72 8 0
                                    

Chapter 05

**

It has been how many days. I stayed with Stan as he requested. Siguro ay dahil na rin iyon sa kulang siya ng bartender.

I dunno.

"Hanggang kailan ka rito, Raea?" Vanz asked me.

Ngumuso ako at nagkibit balikat. "Hindi ko pa alam..."

Hindi pa rin naman ako tinatawagan ng Grifston University kaya hangga't hindi pa ako natatanggap doon ay hindi ako aalis dito pero iniisip ko rin si Stan.

He wants me to stay here. Stay with him. So, I will stay for him.

Ramdam ko na sa pagiging playboy niya ay may dinadala dala siyang problema kaya siguro gusto niya akong mag stay. Ewan ko, marami ang umiikot na mga puwedeng dahilan niya sa isip ko.

"Maganda ang pagpapasahod ni Sir. Stan pero bakit mo pala gustong umalis dito?"

Sa pag i-stay ko rito sa SLB ay mas naging close ko si Vanz dahil siya lang naman ang tanging kumakausap sa'kin dito. 'Yung ibang employees ay parang naiinis sa'kin.

"Hindi ko naman kasi gusto ang trabahong ito. Nandito lang naman ako para magbayad ng utang at isa pa... hinihintay ko na lang ang tawag sa'kin ng pinag applayan ko."

Tumango tango naman siya. "Sayang! Akala ko matagal tayong magiging magkaibigan! Papakilala na sana kita sa girlfriend ko."

I chuckled. "Puwede pa naman tayong maging magkaibigan kahit hindi na ako nagtra-trabaho dito. Mabait sa'kin si Stan kaya I don't think I can forget his kindness."

"Umamin ka nga. May namamagitan sa inyo ni Sir. Stan no?"

Mabilis akong umiling. "Wala ha. Magkaibigan lang din kami."

"Magkaibigan na pala ang nagyayakapan sa may malapit sa locker room." He chuckled.

My eyes widened. Vanz saw it?! Ano na lang ang iisipin nila kung may iba pang nakakita bukod kay Vanz?

I know, I can trust Vanz pero paano 'yung ibang nakakita? At baka magsumbong sa mga girlfriend ni Stan? Ano na lang ang mangyayari sa'kin?

"K-Kung ano man nakita mo. Huwag mo na lang bigyan ng meaning." I stuttured.

He shrugged his shoulders at ngumisi sa'kin na parang gusto pang magsalita pero pinipigilan na lang ang sarili.

While serving some wine for the customers. Nahagip ng mga mata ko ang nakaupo sa hita ni Stan na babae. Iba na naman ang babae niya ngayon. Kung dati ay mestiza, ngayon naman ay morena. Medyo maikli ang buhok na hanggang balikat. She's sexy and beautiful.

Napapansin ko ang mga type ni Stan ay mga magaganda at matatangkad na babae. Sa ilang days kong nag stay sa kaniyang bar ay napapansin ko na ang mga tipo niya. Iba't ibang babae sa isang araw.

"Enjoy your drink, Sir!" I said while smiling.

Napadako muli ang tingin ko kay Stan. Napaiwas ako ng tingin ng makita kong nakatingin na siya sa'kin. Kunwari ay may kung anong kinakalikot ako sa mesa.

Inangat ko ng dahan dahan ang tingin ko. Nang makita ko siya ay natingin pa rin siya sa'kin.

He smirked at me.

Mga ilang minuto ay iniwas na niya ang kaniyang tingin at humarap sa babae niya. May naramdaman akong kumirot sa bandang dibdib ko pero hindi ko na lang pinansin.

"Raea..."

I almost jumped when I saw Stan standing in front of me. Napatigil ako sa ginagawa ko, bakit pa siya lumapit sa'kin?

What Hurts The Most (Lacrosse Villavista Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon