Chapter 21
**
"How was your day with them? I heard about the issues." Stan asked me.
He put plates above the table. Dito niya na sinabing kakain kami dahil nagluto siya bago niya ako puntahan sa building ng MMCC.
"Okay na. Besides, Juancho is kind. Mabait silang lahat at hindi ko lang maintindihan bakit kailangan alisin e, pirmado kami."
Stan brows raised at me. Tila may ginawa akong masama. Ngumuso ako at hindi siya pinansin. Umupo ako sa kaniyang harapan habang siya ay nakatingin pa rin sa akin kaya iniisip ko ngayon kung may nagawa akong masama sa kaniya.
I remained silent while getting food. I secretly glanced at him. He's still staring but later on he shook his head and closed his mouth. Gusto niyang magsalita pero may pumipigil sa kaniya.
Katapos kong maramdaman kanina na parang may mali ay natahimik kami sa loob ng kotse nang ilang minuto pero bigla din siyang nagsalita at kinamusta ako. Nagkuwento siya ng ginawa niya sa loob ng tatlong araw. Naging busy siya sa kaniyang bar at sa mga pinsan niyang broken hearted daw.
Sa pagkakatanda ko, parang nakita ni Raius si Celestine sa ibang bansa na may kasamang ibang lalaki sa saktong birthday niya kaya ayun nagwala ang kaniyang pinsan. Si Limwell naman ay parang may mabigat na problema din na dinadala.
I understand that thing. Besides, hindi lahat ng tao ay kayang maghandle ng emosyon lalo na pag grabe na talaga ang sakit at hindi na makayanan. Muntik na ngang magpakamatay si Raius nang iwan siya ni Celestine mabuti na lang at napigilan siya.
"Earth to My Raea,"
I saw Stan waving his hands on me. Napatingin ako sa kaniya at ngumuso. I don't know what to say. Seryoso ang kaniyang tingin at hindi ko malaman kung ano ang gustong ipahiwatig no'n.
"I want to ask you..." he simply said to me.
I swallowed. "W-What is it?"
"Do you enjoy the company of your partner in modeling? Are you happy with him? Does he touch you the way I touch you? Does he like you like how much I love you?"
My eyebrow creased. "Anong pinagsasabi mo? Magkaibigan lang kami ni Juancho."
Tumaas ang kaniyang kilay. His wary eyes drifted on me. "Hmm, really huh? Bakit parang ayaw mo siyang mawala sa tabi mo?"
I stared at him. I scanned his whole face para malaman ko kung bakit siya ganito ngayon. Don't tell me, he is jealous again? Wala naman siyang dapat ikaselos sa amin ni Juancho.
I slightly smiled at him. Inabot ko ang kaniyang kamay at hinaplos iyon. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko pero kalaunan ay napapansin ko ang bahagya niyang pag iwas ng mga tingin.
His cheeks were red pero hindi ko na lang papansinin para hindi siya mas lalong mamula.
"Hindi naman sa ganoon, Stan. Siyempre, pirmado kami, kahit anong gawin nila ay hindi na maaalis pa 'yon." Malumanay kong sambit.
Namumungay ang kaniyang mga mata ng ibaling niya muli sa akin ang kaniyang mga mata. Ngungumiti ang kaniyang mata habang seryoso pa rin ang pagkakatingin niya sa akin na parang may ginagawa akong mali.
Naalala ko si Tristan nung mga panahon na wala siyang pakialam kahit na sino pa ang makasama ko. Tatanungin niya lamang ako kung sino mga iyon and that's it. Kaya nga nagtataka kung bakit niya sinasabi sa akin ngayon na mahal niya pa rin ako.
Ilang buwan ko ng hindi nakikita si Tristan kaya iniisip ko rin kung ano ng nangyari sa kanila ni Carnella. Nung huling nakita ko siya ay nasa isang transportation manufacturer sila kasama si Carnella. I wonder if they have a secret relationship and he has finally moved on from me.

BINABASA MO ANG
What Hurts The Most (Lacrosse Villavista Series #2)
RomanceShe is a broken hearted woman, not just by his past relationship but also to her family. Her mom passed away when she was still young. Nanatili siya sa puder ng kaniyang ama ngunit nagkaroon ng panibagong ka-relasyon ang kaniyang ama na kinagalit ng...