Chapter 27
**
ANG KAPAL NG MUKHA NIYA!
Kasing kapal niya ang encylopedia at dictionary kung makaimbita sa akin! Who do he think he is?!
Akala mo kung sino siyang iimbitahan ako para sa kasal niya. Nahihibang na ba siya?! Nasaan na ang kaniyang utak?! Sa tingin niya sasama ako sa kaniya nang ganoon na lang kadali? Na kapag isang sabi niya lang, gagawin ko na agad?!
Hindi biro ang pag imbita niya sa akin sa kasal nila ni Graella. Hindi biro ang gawin nila akong tanga, dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at masampal ko lang siya sa loob ng simbahan.
Hindi ako mapanakit na tao. Hindi ako nananakit through physical nor emotional pero kapag ako ang nasagad niya hindi lang sampal ang magagawa ko sa kaniya.
I wiped my tears as hard as I could. Ginamit ko ang likuran ng kamay ko kaya mas kumalat ang basa sa aking mukha. Ang mga make ups na hindi naman waterproof.
"Raea!"
Narinig ko ang boses niya na parang hinahabol ako pero nilakihan ko ang mga hakbang ko para hindi niya ako mahabol. Hindi niya dapat nakikita na umiiyak ako ngayon dahil sa kaniya.
"Astrealliana! We're not yet done!" he shouted.
Kahit anong laki ng mga hakbang ko ay naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko. Nahabol niya ako! Hindi ako nakatakas sa kaniya. Kahit ayokong makita niyang basa ang mukha at mga mata ko ay wala na akong magagawa.
"Bakit ka bigla-biglang umaalis? Nag uusap pa tayo." Anito sa akin sa malamig na boses.
Nakatingin ako sa ibang dako at hindi sa kaniya. Nanunuot ang noo ko at nagtatagis ang mga labi ko sa galit. How dare him to chase me? Hindi pa ba sapat ang sinabi niya sa akin?!
"'Yun lang ba ang sasabihin mo sa akin? Na imbitahan ako sa kasal niyo ni Graella?"
Hindi ko maiwasan ang maglabas ng sama ng loob. Pumiyok at magluha ang mga mata ko. Galit at sakit ang namumuo sa aking puso na mahirap alisin dahil isa na itong mantsa.
Wala ng masyadong tao sa kuwartong ito. Nakaalis na ang mga model at ang ibang staff. Mga maintenance na lang ang naiwan na ngayon ay tinitignan kami. Wala na akong pakialam sa isyu basta malabas ko ang sama ng loob ngayon sa kaniyang harapan.
I don't deserve this kind of treatment! I don't deserve this pain and sadness! These tears in my eyes! I don't deserve them like he deserves it!
"Why are you crying? I just want to invite you... wala akong ibang intensyon. Dad wants you to be there."
Ngumisi ako. "Wow. So, gusto lang pala ng Daddy mo. Okay, pupunta ako. Where's your invitation card?"
I lost. Hindi ako nakatanggi.
Gusto kong ipakita sa kaniya na wala na lang sa akin ang kasal nila ni Graella. Na kaya ko silang harapin habang naghahalikan, nagsasabihan ng kung anu-anong sugar coating words, vows, and even if they will announce as husband and wife.
Kaya ko 'yon. Trust me. Kakayanin ko iyon.
Hindi niya agad ako binigyan ng invitation card. Instead, he holds my hands and looks at my eyes. Seryoso siyang tumingin doon, hindi niya iniiwas ang kaniyang tingin.
"Raea... k-kaya mo 'yon?" tanong niya.
My eyebrows creased. "What are you talking about? You invited me, right? Pumayag na ako. Pumayag na ako sa invitation!"
"I expect you to say no even if how many times I'm going to invite you!" he shouted.
The veins in his neck are shown. His teeth clenched, his adam's apple moves up and down. I can see guilt, anger, pain, sadness and grief. I can see everything you can see in me.

BINABASA MO ANG
What Hurts The Most (Lacrosse Villavista Series #2)
RomanceShe is a broken hearted woman, not just by his past relationship but also to her family. Her mom passed away when she was still young. Nanatili siya sa puder ng kaniyang ama ngunit nagkaroon ng panibagong ka-relasyon ang kaniyang ama na kinagalit ng...