Chapter 28
**
It has been weeks since the last time I saw Stan. It also has been weeks since Graella begged me. Sa totoo lang, she doesn't need to beg. I can give Stan to her. Una sa lahat, wala na kami ni Stan at anong laban ko? Fiancèe niya ito.
I wouldn't deny the fact that it hurts. Pushing him for someone is really heart breaking. Hindi naman kahit kailan na magiging madali ang pagtulak mo sa taong gusto mo palayo sa'yo.
I loved him. I know, I will always do but now? Hindi ko na alam dahil isang taon na rin kaming wala. He didn't do anything. He just played with my feelings, nag enjoy siya kaya ayun, tumagal kami pero sa totoo lang, alam kong hindi niya talaga ako minahal.
I'm angry because of what he has done. Galit ako kasi wala akong kamuang muang sa mundo noon na naloloko na pala ako.
"Ang kapal naman yata ng mukha niyan?!" sigaw ni Clarisle habang nagkakasalubong ang mga kilay.
"She's depressed with Raius, Cous. Natural lang na hahanap siya ng dahilan para maging masaya ulit. At sa mga pagkakataon na 'yon, si Stan ang nakita niya."
May pait sa aking boses at kung may anong masakit na bahagi ng katawan ko. Pilit kong nilabanan pero hindi rin nagtagal ay napahawak ako sa dibdib ko.
It's not my chest but I know it's my heart. It's twingling and breaking. Para na rin itong namamanhid dahil sa nararamdaman kong kalungkutan.
Clarisle laughed sarcastically, "The hell with your reason?! Depressed?! Ganoon ba ang depressed?!"
I touched her arms to make her calm dahil mas grabe pa siya kung magreact sa akin. Nangingitngit ang mga ngipin ito at may kunot ang kaniyang noo.
"Hindi ganoon ang depressed, Raea! Ang depressed ay mas maiisip mo na lang patayin ang sarili mo kaysa maghanap ng ibang dahilan para maging masaya! Ang depressed tanging suicidal things lang ang naiisip!"
I bit my lower lip. I cannot believe that my cousin just scolded me. Though, she has a point pero iba iba ang mga nasa isip ng tao... isa na doon si Graella, na mas gugustuhing makamove on kaysa magpakamatay.
"Naiintindihan mo ba ang gusto kong ipahiwatig, Raea, ha?!"
Tinignan ko lamang siya bago ako tumango. "Hayaan na natin. Wala na rin naman para sa akin si Stan... na-nakalimutan ko na siya."
She raised her brows at me. "Really, you are?" hindi naniniwalang tanong niya, "Don't me. I know you still love him, nabubulag ka lang sa galit na nararamdaman mo-"
"Stop!" I hissed. "Hindi ko na siya mahal. Magpapakasal na siya, Clarisle! Sa mga puntong ito, alam ko na tinitignan na naman niya kung ako pa rin ang dating marupok na Raea! Hindi niya alam na hindi niya ako basta basta makukuha na lang!" galit na sigaw ko.
Nanahimik ako matapos ang aking sentence. Nakita kong nakatingin lang siya sa akin habang ngumingisi.
"Basta basta? So, may chance?"
Nanlaki ang mga mata ko. "O-Of course n-none!"
She let out a soft chuckled and shrugged her shoulders in a teasing way. "Okay. Sabi mo, eh. Kaya lang, cous. You're not a good liar."
Namula ang magkabilang pisngi ko pero hindi ko na lamang siya sinagot para hindi na humaba pa lalo ang aming usapan. Ayoko naman na may mabanggit pa ako that I will regret later.
Alam ko naman sa sarili ko kung ano ang totoo kong nararamdaman para kay Stan. Alam ko na hanggang ngayon ay galit pa rin ako sa kaniya at hindi iyon basta basta mawawala sa puso ko. Sa kaniya lang ako nagtanim ng galit na ganito never with Tristan.

BINABASA MO ANG
What Hurts The Most (Lacrosse Villavista Series #2)
RomanceShe is a broken hearted woman, not just by his past relationship but also to her family. Her mom passed away when she was still young. Nanatili siya sa puder ng kaniyang ama ngunit nagkaroon ng panibagong ka-relasyon ang kaniyang ama na kinagalit ng...