Chapter 32
**
Hindi ko na maiwasan ang mapaluha dahil sa nangyari sa hacienda nila Celestine. Hindi man lang naging successful ang kanilang engagement party. Nagsisisi akong sumama ako kay Stan dito.
"Fuck that old man!" bulong ni Stan habang nagmamaneho.
Mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela kaya halata na sa kaniyang galit na galit siya. His veins were shown because of too much anger.
Hindi ako kumikibo kahit may kung anong binubulong bulong na si Stan sa kaniyang sarili. Iniisip ko pa rin ang dahilan ng pag iwan sa akin ni Stan, hindi kaya may kinalaman doon ang kaniyang daddy?
"He ruined the engagement party of Raius and Celestine because of his childish acts! Damn it." he whispered again.
Tinignan ko siya kaya napahinto siya sa isang tabi. Seryoso akong nakatingin sa kaniya kaya ng tignan niya ako ay nakikita ko ang takot sa kaniyang mukha.
"May kinalaman ba ang daddy mo sa paghihiwalay natin, Stan?" hindi ko maiwasan ang pumiyok dahil sa sakit na aking nararamdaman.
I saw him uneasy about his place. Binuksan ko ang pintuan kaya binuksan niya rin ang pintuan niya at lumabas. Nilapitan niya ako at hinawakan ang dalawang kamay ko.
"I'm sorry, Raea..." he murmured.
Umiling ako habang nanggigilid ang mga luha sa mata ko. Namumuo ito kaya wala na akong ibang makita kundi ang blurd na paligid.
"Hindi 'yan ang gusto kong marinig mula sa'yo, Stan." I hissed, "Ang tanong ko, may kinalaman ba ang daddy mo sa paghihiwalay natin!?"
He swallowed hard. Nanghihina na talaga ako, pakiramdam ko ay unti-unti akong bumabagsak sa nararamdaman ko. He touched my arms.
"S-Siya ang dahilan ng paghihiwalay natin, Raea..." he almost choked in his own words.
My tears fell down. Yumuko ako at doon ako umiyak dahil ayokong makita niya ang mga luhang tumutulo mula sa dalawang mata ko. Ayokong makita niya na hanggang ay mahina pa rin ako. Na mahina pa rin ang puso ko.
"That night, nagkausap kami. Pinuntahan niya ako. He even blockmailed me. Sinabi niya na kapag hindi kita hiniwalayan ay aalisin niya ang career mo-"
"And you obeyed him!? Sinunod mo ang utos niya?! Hindi mo man lang naisip ang mararamdaman ko?! Na kapag iniwan mo ako para mo na ring inalis lahat ng pangarap ko sa buhay?!"
Humihikbi ako sa kaniyang harapan. Gusto kong maglupaypay sa sahig. Parang winawarak ang buong pagkatao ko. Hindi niya ba naisip iyon? Na kapag iniwan niya ako ay para niya na rin akong inalisan ng pangarap sa buhay? Hindi niya ba naisip iyon?
"I did that because I don't want you to lose your career. Alam kong ilang beses ka ng nawalan ng trabaho at ayoko ng mawalan ka pa dahil sa akin!"
"Ayun na nga e, nandoon na tayo, Stan..." humihikbi kong sambit, "Sanay na akong mawalan ng trabaho. Sanay na sanay na ako. Alam mo kung alin ang hindi ko sanay? 'Yung iwan mo ako!"
He hugged me, tightly. Naramdaman ko ang pagkabasa ng aking balikat. Oh my gosh. He's crying! He's crying on my shoulders.
"I'm so sorry, Raea... God knows how much I love you. How much I'm willing to do everything for your happiness..."
"And letting me go, no, for hurting me is my happiness? Maiwan mag isa, kasiyahan ko 'yon?" hindi ko mapigilang masaktan sa bawat salita ko, "Stan, ikaw na lang ang lakas ko non, iniwan ako lahat! Ikaw lang ang nasa tabi ko noong mga panahon na 'yon bakit di mo na lang ako hinayaan na mawalan ng trabaho kaysa mawala ka sa akin?"

BINABASA MO ANG
What Hurts The Most (Lacrosse Villavista Series #2)
RomanceShe is a broken hearted woman, not just by his past relationship but also to her family. Her mom passed away when she was still young. Nanatili siya sa puder ng kaniyang ama ngunit nagkaroon ng panibagong ka-relasyon ang kaniyang ama na kinagalit ng...