Chapter 39

60 7 0
                                    

WARNING: This chapter contains mature content that might be disturbing for young readers. If you're a minor, please, skip this part. (SPG - R18)

**

Chapter 39

**

Nakatingin lamang ako sa kaniya ngayon habang nakatayo siya sa harapan ko. Hawak hawak ko ang iilang medical kit para sa mga sugat niya. Hangga't maaari, I don't want to see his face like that.

"Are you just gonna stare at me for the whole day?" he asked.

I took a deep sigh. Nagsimula akong lagyan ng yelo ang bimpo at pinatong ito sa kaniyang mga bugbog at sugat. Hindi man sabihin sa akin ni Stan alam kong may ginawa sa kaniya ang kaniyang ama.

Habang pinapatong ko ang bimpo sa kaniyang mukha ay nakatitig lamang siya sa akin. Sinusuri niya ako at mukhang tinitignan kung ayos lang ako.

"Raea..." tawag niya sa akin.

Hindi ko muna siya pinansin dahil nakatuon ang atensyon ko sa mga sugat at bugbog niya sa mukha. Wala yata siyang balak sabihin sa akin ang totoo - kung anong nangyari sa kanila ng daddy niya.

"Love..." his sweet voice came.

Inayos ko ang pagkakalagay ng bimpo sa kaniyang mukha pero pinigilan niya ako. Hinawakan niya ang kamay ko at ibinaba ang bimpo sa basin na nasa tabi namin.

Huminga ako muli ng malalim at tinignan siya. "Kailangan ko munang gamutin 'yang mga yan, Stan. Mamaya na tayo mag usap."

Umiling siya sa akin. Hinaplos niya ang kamay ko at tila nagmamakaawa ang kaniyang hitsura.

"Love, what are you mad about? May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan? Masyado bang matagal bago ako nakalaya? Hindi ba kita napaglaban agad? May ginawa ba ang daddy ko sa'yo? Love, tell me, anong pagkukulang ko-"

I tried to stop him from talking by meeting his lips on my lips. It was just a smack kiss, hindi naman nagtagal.

"What are you talking about? Wala kang pagkukulang, Stan. Lahat lahat binigay mo na sa akin. Halos lahat sinakripisyo mo na... even your... your bar," I sighed, "I know how much that bar is important to you..."

Nalulungkot ako para sa nawala niyang bar. Importante sa kaniya 'yon dahil marami siyang naipundar na dugo't pawis bago niya makamit ang goal niya pero dahil lang sa akin ay mawawala ito. Ayoko naman mangyari iyon kaya hindi ako papayag.

Gagawin ko lahat para mabawi ang bar na nawala sa kaniya. Kahit ano, kahit ikakapahamak ko pa kung para din naman kay Stan ay hahamakin ko ang lahat.

He deserves everything not nothing.

He cupped my face and wiped my tears. Ngayon ko lang napansin na lumuluha na pala ako dahil sa sobrang lungkot na nararamdaman ko.

"You are more important than my bar. I'd rather choose you than everything..."

Mas lalo akong naluha sa kaniyang sinabi. Hindi ko hinangad na mahalin niya ako ng sobra na higit pa sa kaniyang buhay pero 'yun na ang nararamdaman ko ngayon. He loves me more than I love him.

I swear. I'll assure you, this time... I'll make myself crazy over and over you. I will love you equally, gusto ko mas mahal kita at mahal mo ko. Gusto ko pantay lang tayo ng pagmamahal.

"Gusto kong bawiin mo ang bar mo sa ama mo, Stan. Ayokong nakikita kang malungkot dahil nawala sa'yo ang pinagpaguran mo."

Hinigpitan niya ang pagkakahawak niya sa aking pisngi. He smiled at me, hindi iyon totoo. Alam ko na pinapakita niya lang sa akin na maayos siya kahit hindi.

What Hurts The Most (Lacrosse Villavista Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon