Chapter 25
**
Pain changes people but in my situation I've never changed. Why do I need to change? For what? Para nagmukhang nakamove on na o para ipakita na mahina ka talaga? Kasi nagbago ka, binago mo 'yung dating ikaw na hindi naman dapat.
I've never blamed Stan for what he has done to me. Instead, tinandaan ko iyon para gawing motivation para sa sarili ko.
But my heart is filled with anger. Galit na galit ako sa kaniya.
Ginawa ko ang lahat para makaahon ulit. That time, I almost collapsed on the floor while barely breathing. I can't stand up because of too much pain. Sobra akong nasaktan dahil sa pag iwan niya sa akin.
Akala ko ay magiging maayos na ang lahat. Akala ko ay maipaglalaban niya ako pero lumalaban nga ako hindi naman niya deserve ang ipaglaban. Hindi niya ako totoong minahal dahil ang gusto lang niya ay ang virginity ko.
Yeah right.
Siguro nga sobrang inosente ko at walang kaalam alam na naloloko na niya pala ako. Vanz is right, he will just fuck my feelings. Hindi niya ako sineryoso at kahit kailan hinding hindi niya ako seseryosohin.
"Raea, come here... are you okay?" Tanong sa akin ng pinsan kong si Clarisle.
She put a glass of water on the table. Tinitigan ko lamang iyon nang makaupo sa kaniyang harapan.
"Are you really okay?" pag uulit niya.
Am I?
I nodded my head, "Yup. Wala namang dahilan para hindi ako maging okay diba?"
Kung tutuusin. Gusto kong gantihan si Stan. Gusto ko siyang saktan gaya ng pananakit niya sa akin. Gusto ko siya pahirapan pero paano ko magagawa lahat ng iyon kung wala akong lakas ng loob.
"Stan again?" may pagtataka sa kaniyang boses.
Kahit ayaw ko na siyang pag usapan. Hindi maiiwasan na mapasali siya sa aming usapan, kahit nga ako na ayoko na siyang isipin pero sumasagi pa rin siya sa akin isip.
Hindi dahil sa pagmamahal, kundi galit. Galit na namumuo sa aking puso.
"Ayoko ng pag usapan," malamig kong tugon.
She closed her mouth even if she wanted to say something. Kung anuman iyon ay ayoko ng malaman lalo na kung may kinalaman kay Stan.
I've moved on, hindi ko na siya ganoong gusto dahil sa galit na pumalit sa pagmamahal ko sa kaniya sa puso ko.
It's almost been one year and two months since the day he left me. He left without any valid reasons.
He wants my virginity? He should've told me nang sa ganoon ay nabigay ko!
Ang ayoko lang ay iniwan niya ako noong mga panahon na siya na lang ang tanging lakas at kinakapitan ko.
He left me.
"Napakagago ng ex mo na 'yon. Kapal ng mukhang hiwalayan ka!" Galit niya pa rin na sigaw.
Napailing na lang ako at bahagyang ngumiti. "Let him be, doon siya masaya e', huwag na natin siyang pakialaman. Tapos na kami matagal na, remember?"
"Sorry, let's not talk about your ex. Hindi naman guwapo, ang kapal ng mukha! Parehong pareho sila ng pinsan niyang si Raius! Pero ang pinagkaiba, 'yung kaibigan ko 'yung tanga. Sa sitwasyon na 'to, mas tanga si Stan."
I heard the news about what happened to Celestine and Raius dahil ang daldal ng pinsan ko. Nalaman ko ang pinagdaanan nila pero nagtataka dahil sa pagkakaalam ko mahal na mahal naman nila ang isa't isa and then, naghiwalay sila.

BINABASA MO ANG
What Hurts The Most (Lacrosse Villavista Series #2)
RomanceShe is a broken hearted woman, not just by his past relationship but also to her family. Her mom passed away when she was still young. Nanatili siya sa puder ng kaniyang ama ngunit nagkaroon ng panibagong ka-relasyon ang kaniyang ama na kinagalit ng...