Chapter 09

53 8 0
                                    

Chapter 09

**

"Nakita raw kayo ng iilang estudyante na magkausap ni Sir. Tristan... mukhang nag aaway at galit na galit."

Teacher Clarette asked me. Her question surprised me. Mula kahapon ay hindi ko na nakasalubong si Tristan sa corridors ng eskwelahan na 'to.

Matapos ang pag uusap namin non ni Tristan ay may iilan ang masama ang tingin sa amin kahit mga estudyante pero hindi ko na lang iyon binigyan ng pansin.

Lumunok ako at umiling. "Hindi naman kami galit sa isa't isa. Siguro ay namali lang sila ng tingin. Nagkausap lang kami dahil nagpakilala lang..."

I gasped. 'Yung ibang teachers ay nakikinig lang sa aming usapan. Masyadong bulgar kapag maraming nakikinig sa usapan namin.

The way they look at me is really something but I still manage to smile at them pero 'yung ibang co-teachers ko ay iba na talaga ang tingin sa akin.

"Baka nga naman kasi nagpakilala lang sila sa isa't isa." Ani Teacher Asher.

"Hindi naman impossible na magustuhan ni Sir. Tristan si Ma'am Raea, dahil maganda ito..." Si Teacher Mark na ngumi-ngiti ng bahagya.

Namilog ang mga mata ko sa sinabi ni Teacher Mark. He shouldn't have said that! Baka mas lalo lang magalit sa akin si Teacher Carnella.

Kita ko kung paano mag iba ang tingin sa akin ni Teacher Carnella pero bigla ring nag iba ang emosyon ng mapatingin sa kaniya ang marami. Masama ang timpla ng mukha niya at parang naiinis.

"Wala naman kaming ibang napag usapan bukod sa pagpapakilala, huwag kayong mag alala wala naman kaming relasyon ni Sir. Tristan."

Tumango si Teacher Franklin, "Tama naman siya, hindi naman siguro papatol si Ma'am Raea agad agad diba? Huwag nga kayong bitter!"

"Kakakilala lang naman nila kahapon kaya imposible iyan!" Teacher Janella defended me.

"Tama, tama. Atsaka 'yung asaran natin kina Ma'am Carnella at Sir. Tristan, biruan lang naman natin iyon." Teacher Deborah uttered.

"Stop it. We're no longer kids. We already know the right and wrong. Alam natin na mali ang relasyon ng teacher sa teacher sa iisang paaralan." Teacher Mark stated.

"Let's stop this. We're friends here! Huwag na kayong magconclude ng wala namang katuturan!" Teacher Lavitoria smiled at that.

Ngumiti ako ng bahagya. "Sana huwag kayong mag isip ng kung ano sa amin ni Tristan dahil walang namamagitan sa amin."

"Dapat lang!" Teacher Carnella hissed. She looks a lil' bit angry. "Hindi kayo puwede!"

Natapos ang pag uusap namin matapos kong magpaliwanag sa kanila ng sobrang tagal pero after that serious talk nakipagtawanan na kami sa isa't isa at naayos din naman ang naging usapan.

"What you hear, when you leave, leave it here." The head teacher, Teacher Tracy said.

"Understand?" She added.

We just nodded our heads. Kinuha ko ang mga patong patong na libro sa assigned study table. Nagsilabasan na ang iba kaya sumunod na lang nila ako habang nasa likuran.

"Mag iingat kayo!" Ani ng ibang teachers.

"Huwag papastress! Sayang ang beauty natin!" Biro naman nila.

Sa fourth floor ang kuwarto na papasukan ko. I've decided to use the elevator, so, I can quickly reach the fourth floor. The elevator door is about to close pero may biglang kamay ang humarang dito.

I swallowed hard when I saw Tristan in front of me wearing his reading eyeglasses. Sumarado ang pintuan at hindi niya pinindot ang number button.

"What do you need from me, Tristan?" Halos malamig ang boses ko.

What Hurts The Most (Lacrosse Villavista Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon