Chapter 19
**
Umagang umaga ay gustong pumunta nila Tita Matilda at Tito Frederick sa Magazine Models Career Company pero siyempre pinigilan ko muna sila at sinabing mamaya na lang kapag wala ng gaanong mga tao dahil ayokong eskandalo.
Hindi pa rin ako mapakali habang nagpho-photoshoot dahil alam kong anytime, Clarisle's parents might come here. Kinakabahan at natatakot ako, at the same time.
"Why are you nervous?" Tanong ni Manager Maraline, suplada ang kaniyang hitsura pero nakangiti pa rin ito. "Is there something wrong?"
I'm wearing a black fitted dress above my knees. The straps of my dress were down to my arms. Nakalaglag ito habang nakaipit ang aking buhok. This is my last photoshoot and the magazine will be revealed next month.
"Nothing, Manager..." pagde-deny ko.
Hindi ko naman kasi puwedeng sabihin sa kaniya dahil ayokong pati siya ay ma-freak out. Bahala na mamaya kung ano ang magagawa ko.
She nodded her head, "Okay. Because this will be your last photoshoot, the last picture they captured you are with Juancho. So, your fans will freak out, magmamawala at magiging confuse kung bakit magkasama kayo. Kapag lumabas na ang next magazine niyo 'yun na 'yung dalawa lang kayo."
Kahit wala akong maintindihan kung bakit kailangan ilagay siya sa magazine ko ngayon e' sa akin lang naman iyon ay tumango na lang ako.
"Thank you, Manager."
Inayos niya ang kaniyang buhok at tinignan ako na parang sinusuri ang mukha ko kung maayos ba o ano kaya napapaiwas ako ng tingin sa kaniya. Ayokong makita niyang hindi ako mapakali at may kung anong bumabagabag sa akin.
"Welcome. Naghihintay si Juancho sa'yo sa may stage." she said. "Bago magphotoshoot, pa-retouch ka kay Mylene para hindi haggard ang mukha mo."
I nodded. "Okay po... puntahan ko lang si Juancho,"
Hindi na siya sumagot at ngumiti na lang. Tumalikod ako para pumunta sa kinaroroonan ng cellphone ko para kausapin si Clarisle.
Si Clarisle talaga ang pupuntahan ko at hindi si Juancho dahil hangga't maaari ay ayoko muna siyang makatabi. Siya ang anak ng taong pumatay sa Daddy ko. Kahit gusto kong magalit ay mukha naman siyang walang alam sa nangyari. Based on Manager Maraline, maagang napalayo si Juancho kay Esmeralda.
"Paparating na sina Mommy and Daddy diyan! Hindi ko man lang sila napigilan kahit anong gawin ko, Raea!" salubong ni Clarisle sa akin.
Kahit ako ay napakislot sa kinatatayuan ko. Namimilog ang mga mata at nagsimulang magnerbiyos sa kaniyang sinabi. Hindi naman kasi agad agad kailangan nilang putulin ang kontrata pero wala na akong magagawa dahil papunta na sila.
"Papunta ka rin ba?" tanong ko. "Oh my ghad! Ang dami pa namang tao sa labas!" napasapo ako ng kamay sa noo.
"Pupunta ako siyempre! Kung puwede ko silang pigilan. I will do it! Hays! My parents talaga!" Clarisle tantrums on the other line.
Clarisle wants to stop her parents but she couldn't do anything. She just can't stop her parents, I know Tita Matilda and Tito Frederick. They are kind but also protective. Ayaw na ayaw nilang may nagagalaw sa amin ni Clarisle dahil isa rin sila sa pinakiusapan noon ni Mommy.
"Okay, okay. I will end the phone call. Kailangan ko munang tignan ang mga tao sa labas." I panicked.
My sweats started to form on my forehead. My heart beat too fast.
Hindi naman kasi puwedeng iba ang mga makakakita sa amin. This is going to be a big bomb for MMCC. Manager Maraline will freak out because of this. Parang kailan lang ako pumasok sa mundo ng modeling, mag iisang taon na rin pero may milagro na agad na magaganap.

BINABASA MO ANG
What Hurts The Most (Lacrosse Villavista Series #2)
RomanceShe is a broken hearted woman, not just by his past relationship but also to her family. Her mom passed away when she was still young. Nanatili siya sa puder ng kaniyang ama ngunit nagkaroon ng panibagong ka-relasyon ang kaniyang ama na kinagalit ng...