*2 months After ng nangyari at 4 months bago ang kasal nila.*
"Kamusta ang trabaho sis?" tanong ni kath sa kapatid na si jane.
"Ok lng ate. Masaya naman. Di ko akalain nakaka isa't kalahating buwan na pla ako dun sa kumpanya ni ate nikki. Ang ganda ng temporary office nila." sabi ni jane pagdating sa bahay nila.
Sa loob ng dalawang buwan pagkatapos ng mangyari ay naging ayos silang lahat, Si jane ay kinuhang assistant ni nikki sa kumpanya nila. Sa temporary office nito sa Manila. Kath ay nagplaplanong magbakasyon muna sa probinsya nito dahil summer na. Si mark naman at si may ay nagkakaroon na rin ng something sa kanila. Si den at nikki naman ay maayos parin ang relationship kahit na madalas ay nagkakatampuhan pero maliliit na away lng naman ito.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Welome to the philippines miss gutierrez" Bati sakanya ng isang employee ng NAIA.
"Thanks! It's good to be back here at the philippines." sagot naman niya.
"Anak!" Sabay na bumati ang mama at papa ni sarah sakanya. Habang nasa sasakyan sila pauwi sa bago nilang tahanan sa quezon city ay kinukwento ni sarah ang nangyari sakanya.
*Flashback 8 months ago*
Pagsakay ni sarah sa eroplano ay may nakasakay siyang mayaman at eleganteng negosyante. Siya si Mr. Arvin Santos, Isang binata at at mabait na negosyante. Habang nasa eroplano sila ay nagkakilala sila at nagkakwentuhan.
Pero habang sila ay nagkwekwentuhan ay may isang sumigaw na babae sa loob ng eroplano. Sumisigaw ang babae ng. "Bomba Bomba" Agad lumapit ang mga Flight attendant kung saan ay may sumisigaw na babae. Nakita nila ang isang lalaking may hawak hawak sa isang IED (Improvised Explosive Device).
Kakaiba ang pagkakagawa dito kaya siguro hndi ito na huli sa airport. Habang hawakhawak ito ng lalaki ay nagsasalit ito ng parang isang foreign language. Agad namang nagpanic ang mga tao sa loob ng eroplano. Ang iba ay nagpunta sa Business class section. Kahit nasa Business class section si sarah ay pumunta sila ni Arvin sa Baba ng deck ng eroplano upang tignan ang nangyayari.
Habang nagkakagulo sila ay may nagbukas ng Emergency door ng eroplano. May nakita silang mga taong tumatalon na ng eroplano. Ang iba naman ay naghahanap ng mapupuntahan sa loob ng eroplano. Agad hinila ni arvin si sarah palabas ng emergency door. Pero bago sila pumunta dun ay kinuha muna nila ang dalawang parachute sa ilalim ng upuan na malapit sa kanila. (kahit di ko alam kung may mga parachute sa mga eroplano ng Airbus 380 na eroplano yung mga double deck planes).
bago sila tumalon ay nagusot silang dalawa ng life vest at ang parachute bag. May alam din si arvin sa paggamit ng parachute dahil nag sskydiving siya. Pagtalon nila may mga flight attendant na nagsasarili na rin na iligtas ang sarili. Habang palayu na sila ng palayo ay binuksan na ila ang Parachute nila. Saktong pagkabukas nila ay nakita nilang sumabog ang gitnang parte ng eroplano. Nagkahiwalay ito sa Dalawang parte sa sobrang lakas ng pagsabog.
Ang ibang kakatalon lng mula sa eroplano ay nahagip ng apoy mula sa eroplano. Habang bumabagsak pababa ang eroplano ay nahahagip nito ang mga tumalon na mga pasahero. Nakaparachute sila ni arvin kaya napadpad sila ng hangin malayo sa eroplano habang ito ay bumabagsak. Pero may isang parte ng eroplano ang humagip sa kanilang dalawa. Mas matinding natamaan si sarah sa likod nito. Sa kamalas malasan pa ay mainit ang parte ng eroplanong tumama sa kanya kaya hndi lng sugat ang natamo niya kundi ay paso din.
Pagkabagsak nila sa dagat ay may dalawang araw silang palutang lutang sa dagat. Hanggang sa mapadpad sila sa pampang ng indonesia. May isang manignigsda ang nakakita sa kanila. Tinulungan silang iahon sa dagat. Halos namumutla na si sarah sa sobarang dami ng dugong nawala sakanya dahil sa sugat niya sa likod.
Si arvin naman ay hndi masyado ininda ang sugat sa kaliwang hita at braso dahil hndi naman ito ganun kalalim. Ilang buwan silang namalagi sa komunidad na iyon upang magpalakas dahil nanghina sila sa ilang araw na palutang lutang sa dagat. Ang lugar kung saan sila napadpad ay malapit lng sa singapore. Dinala nila si sarah sa isang ospital upang masalinan ng dugo. Hndi din nila sinabi na kasama sila sa mga pasahero ng sumabog na eroplano.
Pagkatapos ng dalawang buwan sa ospital ay dinala muna ni arvin si sarah sa bahay ng mangingisdang tumulong sakanila upang magpalakas pa sila. After six months na pagpapalakas ay lumutang sila upang maging witness sa nangyari. Dalawang buwan silang kinuhaan ng statement pagkatapos at pinauwi na sila ng pilipinas. Hndi muna nila pinaalam na ligtas sila dahil narin sa seguridad nila.